Sign up to save your podcasts
Or

Historical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)
This story tells of the extra-ordinary and heroic feats the expedition crew suffered and endured. This is the FINAL PART (episode 11) of the 11-part series, TAGALOG version.
EXCERPTS:
"...Dumating ang mga nasaklolohang mga miyembro ng Partido Ross sa New Zealand noong ika SIYAM (9) ng Pebrero MIL NUEBE SIYENTOS DIYES Y SIYETE (1917). Sinalubong sila na mga bayani ng maraming tao. Ang kanilang sakripisyo ay naisagawa dahil sa kanilang paniniwalang ito ay “SA PANGALAN NG SIYENSA”. Nagwagi silang gumanap sa kanilang tungkulin at naisagawa nila ang kanilang panig sa misyon. Naihatid nila ang mga naitakdang probisyon at suplay sa mga lugar sa hielo sa laon ng ISANG DAAN AT ANIM NA PU’T SIYAM na araw.
Naglakbay silang hataw ng lamig at bagyo na niebe. Nagdanas silang pinaglaruan ng ipu-ipong lamig habang silay naglakbay, naglakad na nanghihila mg mga suplay sa layo na DALAWANG LIBO LIMANG DAANG (2500) kilometro. Ipinagpilitan nilang isinaganap ang kanilang mga tungkulin kahit pa na sa mga tiyempong iyon, kadamihan na sa kanila ay binabagabag na ng matinding simtomas ng scurvy. Hindi sila tumigil hanggang sa naipagwagi nilang matapos ang kanilang katungkulan. Ang masaklap lamang, ay hindi naisilbi ang mga suplay sa naitakdang pangangailangan.
Iyong mga nakatakdang magtawid sa lupa na galing sa Endurance, sila ang mga pinaglaanan ng mga probisyon na ito – subalit sila’y sinawimpalad na hindi nakatawid sa ibabaw ng kontinente ng Antarktika. Hindi sila nakarating sa Ross Shelf. Hindi nila nagamit ang mga probisyon na dinala ng mga tao sa Partido Ross na pinaglaanan nila ng buhay upang maiparating doon.
Hanggang sa ngayon, mahigit na isang siglo na ang nakararaan, ang kanilang pinagpagurang mga suplay ay naroroon pa, sa mga mapanglaw na sulok ng mabagsik na lupalop sa hielo, na tinabonan na at patuloy pa ring tinatabunan ng niebe at panahon.
Isang miyembro ng partido Ross – si Dick Richards, siyentipikong pisiko ay naniniwala na ang pananagumpay ng Partido Ross sa kanilang misyon, ay mas nakakahigit sa kadakilaaan kaysa mga nagawang kadakilaan nina Robert Falcon Scott, Roald Amundsen at Ernest Shackleton. Iyong isinagawa nilang paghila ng ulnas sa ibabaw ng hielo na tao ang nagtrabahong naghila ay siya nang pinakahuling naisaganap na pag-u-ulnas ng tao sa kasaysayan ng eksplorasyon sa Antarktika.
Nagawaran sina Joyce, Wild, Hayward at Richards ng parangal na ALBERT MEDAL dahil sa kanilang debosyon sa kanilang tungkulin.
Tatlo sa natirang aso, sina Oscar, Gunner at Towser ang na-retiro at dinala sa Wellington Zoo."
"... Subalit hindi mapakali si Ernest noon sa mundo ng sosyedad. Hinahanap lagi noon ng kanyang damdamin ang pag-banyaga at paglayag sa mga ligaw at mga mapang-hamon na mga lugar. Noong MIL NUEBE SIYENTOS BEYNTE UNO (1921), nagtatag na naman siya ng ekspedisyon.
Ang layunin nito ay ikotin ang buong kontinente ng Antarktika. Isa pang layunin niya noon, ay ang halug-hugin niya ang kanyang nasapantahang mga nawalang isla na malapit sa Antarktika gaya ng TUANAKI. Ang ekspedisyon na ito ay pinondohan ng kanyang kaibigan na si JOHN QUILLER ROWETT.
Nakakuha si Ernest ng bapor na gagamitin niya para dito at pinangalanan niya ito ng QUEST. (Paghahanap). Pinag-umpisa niya ang ekspedisyon na ito at lumuwas ang bapor mula Inglatera noong ika DIYES Y SAIS ng Setyembre, MIL NUEBE SIYENTOS BEYNTE UNO (1921)."
PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.
By Norma HennessyHistorical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)