Sign up to save your podcasts
Or

Historical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)
This story tells of the extra-ordinary and heroic feats the expedition crew suffered and endured. This is the TENTH (episode 10) of the 11-part series, TAGALOG version.
EXCERPT:
"Hindi masukat ang saya ng mga miyembro ng dating Partido ng Endurance sa kanilang pagkakasaklolo. Subalit napasama ang kanilang mga tiyan sa una nilang pagkain sa bapor. Dahil sa kanilang sinapit na kagutoman ng ilang linggo, lumiit ang kanilang tiyan kaya’t noong bigla itong napuno at nabanat, sumakit ang kanilang mga tiyan. Hindi naman nagtagal at nanumbalik din namang gumanda ang kanilang pakiramdam. Mayroon noon sa kanila ang hindi nakatulog ng magdamag noong unang gabi nila sa barko.
Sila’y nanatiling gising na nakikinig sa para bagang musika noon na tunog ng motor ng makina at hindi lagutok ng nababasag na hielo, o lagapak ng bumabagsak na alon sa playang naghielo o ugong ng niebe na binubugaan ng malakas na hangin. Ipinagbunyi nila ang ika TATLUMPO (30) ng Agosto na pista – ang araw ng pagdating ng saklolo sa kanila.
May nasalubong silang pag-sama ng panahon noong naglalayag sila papuntang Punta Arenas. Subalit nakayanan ng bapor na linagpasan ito at nakarating sila sa Rio Seco doon sa siyudad ng Punta Arenas noong umaga ng IKATLO (3) ng Setyembre. Pagdating na pagdating nila, tinawagan ni Ernest ang gobernador ng lugar at kanyang mga kaibigan.
Nagpadala ng kablegrama si Ernest sa kanayang maybahay na si Emily Shackleton. “Nagawa ko… Wala ni isang buhay na nawala bagaman impiyerno ang pinagdaanan namin. Hindi na magtatagal at makakauwi na ako at pagkatapos ay magpapahinga ako… I-abot mo ang pagmamahal at mga halik ko sa mga bata.”
Nadala din kaagad si Blackie sa hospital para kaagad na maasikaso ang kanyang paa na kinainan ng lamig ang kanyang mga daliri.
Inanunsiyo ng mga polisya ang pagdating ng YELCHO at ang kanilang mga pasahero na iyong mga taong nalulong sa Elephant Island. Kumalat na parang apoy ang balita. Pinatunog nila ang sirena ng alarma kapag may sunog. Nagtaas sila ng mga bandila, nagtipun-tipon ang mga brigada ng bombero, batalyon ng mga sundalo, pulisya, ang Cruz Roja (Red Cross), mga iskaut at mga banda ng musiko. Naglabasan ang mga mamamayan sa kanilang mga tahanan at naging napakalaking pistahan ang naisaganap sa mga daan. Naasikasong panauhin ang mga bagong dating sa mga pribadong mga tahanan at pagdating na pagdating nila, naayos na lahat ang kanilang mga kakailanganing gamit at pangangalaga – magmula damit hanggang sa serbisyo ng barberya.
Nagpatuloy ang pag-diwang para sa pagdating ng mga nasaklolohan at mayroong pang prosisyong isinaganan ng kabayanan na sinuportahan at pinupri ng mga pangunahing mga mamamayan sa sosyedad, otoridad at matataas na opisyales ng gobyerno.
Samantala hindi kinaligtaang inisip ni Ernest ang kanilang mga kasama sa Partido Ross na napapunta sa bapor na Aurora. Kaagad niyang inayos muna ang pag-uwi ng mga tao sa Partidong Endurance, sila itong mga nasaklolohan mula sa Elephant Island. Ito ay dahil gustong-gusto rin nilang makauwi kaagad upang manilbihang sundalo sa digmaan (Unang Digmaang Pandaigdigan) na sa mga sandaling iyon ay nasa kainitan pa sa Yuropa. Ang digmaang ito ay mula (MIL NUEBE SIYENTOS KATORSE- 1914 hanggang MIL NUEBE SIYENTOS DIYES Y SIYETE O DIYES Y OTSO -1917/1918)..."
PLEASE LISTEN TO PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.
By Norma HennessyHistorical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)