Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Ang Ekspedisyon Antarktika ni Ernest Shackleton Part 2 (11) TAGALOG


Listen Later

Historical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This story tells of the extra-ordinary and heroic feats the expedition crew suffered and endured. This is the SECOND (2nd) episode of the 11-part series (TAGALOG version). It is about the preparation of the expedition. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)

EXCERPT:

"Masasabing beterano sa pananaliksik at paglalakbay sa Antarktika si Ernest Shackleton. Tubo ito ng lahing galing Irlandesa (Ireland). Naipanganak ito sa lugar na KILKEA, COUNTRY KILDARE noong ika A-KINSE ng PEBRERO, MIL OTSO SIYENTOS SETENTA’Y KUWATRO (1874).

Lumisan silang kamag-anakan mula Irlandesa papuntang Inglatera noong si Ernest ay sampung taong (10) gulang. Noong siya’y nagbinata, siya’y nanilbihan sa Armada ng Britania. Unang napunta ito sa Antarktika noong MIL NUEBE SIYENTOS DOS (1902) na kasama sa grupo na pinamunuan ni Robert Scott doon sa ekspedisyon na kinilalang “PAGTUTUKLAS” (Discovery).

Pang-sambayanang Ekspedisyon ng Britania sa Antarktika o British National Antarctic Expedition ang opisyal na pamagat noon ng kanilang ekspedisyon. Naisaganap itong ekspedisyong ito na pangsiyensa upang saliksikin nila ang aspeto ng biolohia (biology) ng Antarktika. Ang biolohiya ay aspeto tungkol sa likas na katangian ng mga nilikhang hayup o halaman na katutubo at nabubuhay doon.

Mag-oobserba rin sila tungkol sa pagba-bagu-bago ng klima at atmospera doon gayun din na papag-aralan nila ang tungkol sa nasasakopang magneto ng South Pole. Papag-aralan din nila ang heograpiya o katangian ng atmospera at pisikal na katangian ng kontinente. Marami ang kanilang natuklasang bagong lugar na sila ang naglagay sa mga ito sa mapa. At isa pang naipasyang isasagawa nila noon hangga’t maari ay ang aabutin nilang puntahan ang South Pole.

Ang ekspedisyon na iyon ay sadyang napakahalaga noon sa kasaysayan ng panahon dahil tiyempo noon ng pagkakatuklas ng Britania sa Antarktika. Naatasan si Ernest sa posisyon na Pangatlong Opisyal (Third Officer) at siya noon ang katiwala at tagapag-ingat sa kanilang mga baon at probisyon. Naipaganap sa kanya ang tungkulin na pag-aayos sa mga pangangailangang pang-libangan. Isa si Ernest sa tatlong pinakaunang nakarating sa puntong pinakamalapit sa South Pole na sa mga panahon na iyon ay hindi pa naabot na pinuntahan ng tao. Kasama niya noon si Robert Falcon Scott na kanilang pinuno at si Edward Adrian Wilson na pangalawang surhano.

Pagdating nila sa kanilang narating na pinakamalayong punto, ipinasya ni Scott na babalik na sila sa bapor na DISCOVERY na siya ring ginawa nilang kampo noon. Nagkasakit noon ng malubhang SCURVY si Ernest noong sila’y bumalik. Sa kabila ng kanyang pagtanggi, pina-uwi siya ni Scott doon sa dumating noon na bapor na MORNING (Umaga). Ang bapor na ito noon ang dumating na naghatid ng karagdagang baon ng bapor na Discovery (Pagtuklas).

Pumunta na naman si Ernest sa Antarktika noong MIL NUEBE SIYENTOS SIYETE (1907) at sa pagkakataong ito na pangalawa niyang pagpunta, siya na ang namuno ng ekspedisyon. Pinangalanan nila ng NIMROD ang pangalawa niyang ekspedisyon na ito at ito ang unang ekspedisyon na pinamunuan niya. Maliban sa pananaliksik at pagtutuklas na isasaganap nila sa NIMROD, pakay din nila ang makarating sa Timog na Punto o South Pole. Sa pagkakataong ito, nakarating sila sa punto na mahigit-kumulang na SIYAM NA PU’T PITONG MILYA na lamang ang layo nito mula sa South Pole."

PLEASE LISTEN TO PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy