Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Ang Ekspedisyon Antarktika ni Ernest Shackleton Part 3 (11) TAGALOG


Listen Later

Historical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)

This story tells of the extra-ordinary and heroic feats the expedition crew suffered and endured. This is THIRD (episode 3) of the 11-part series, TAGALOG version.

EXCERPT:

"... Nasa London pa noon si Ernest sa araw na iyon, at dala ng kanyang diwang makabansa, sumulat siya kay WINSTON CHURCHIL na noon ay sekretaryo ng armada ng Britania. Ini-alok niya ang partido ng kanyang ekspedisyon at ang bapor na Endurance, kasama na ang mga probisyon nila na naihanda para sa ekspedisyon. Inialok niya ang mga ito na ipagsilbi sa digmaan. Subalit tumanggi si Churchill at ibinilin niya na ipagpatuloy nila ang kanilang ekspedisyon. Marahil ang dahilan nito ay ang pag-aakala ng lahat noon; ay kung magkakadigmaan man, ito ay baka abutin lamang ng ilang buwan.

May mga naunang napili noon na miyembro ng ekspedisyon na opisyal ng puwersa militar. Subalit dahil ramdam nila na tungkulin nila ang magsilbi sa depensa ng kanilang bansa, bumitiw sila sa ekspedisyon at bumalik sila sa pagkasundalo. Ang mga natira naman sa ENDURANCE ay nagpatuloy na lumarga papuntang Buenos Aires.

Sumunod na bumiyahe si Ernest mula Liverpool sa London. Sumakay siya sa bapor ng koreo na nagngangalang URUGAYO noong ika DALAWAMPU’T ANIM (26) NG SETYEMBRE MIL NUEBE SIYENTOS KATORSE (1914) patungong Buenos Aires. Doon siya sasakay sa nauna nang lumuwas na ENDURANCE na maghihintay na doon sa kanya.Mula doon, sila ay lalayag papuntang GRYTVIKEN sa isla ng Timog Georgia (South Georgia) para lalapit sila sa kontinente ng ANTARKTIKA.

Ang South Georgia, na tinatawag ding ISLA SAN PEDRO ay isla sa timog na bahagi ng Karagatang Timog Atlantik at bahagi ng teritoryo ng Britania.

Mula doon sa TIMOG GEORGIA (South Georgia) maglalayag silang papunta sa isang bahagi ng Antarktika na VAHSEL BAY at ito ay pagkalagpas lamang ng isa pang dagat na tinawag na WEDDELL SEA. Doon sa VAHSEL BAY magsisimula ng kanilang ekspedisyon na pagtawid sa dakilang kontinente na nakumotan ng hielo.

Pagdating ni Ernest sa Buenos Aires, inayos niya agad ang mga taong miyembro ng ekspedisyon at sinegurado niya na ang bawat tungkulin ng bawat isa ay magagampanan nang mabuti. Inatasan niya na pumapangalawa sa kanya sa pamunuan si FRANK WILD na noon ay nagparating at nagsakay ng ANIM NA PU’T SIYAM (69) na mga aso. Ang mga ito ay kasama nila sa pagtawid. Kakailanganin nila ang mga asong ito na maghila ng mga ulnas na paglalagyan nila ng kanilang mga bagahe at probisyon pag tatawid na sila sa dakilang kontinente na natakluban ng hielo.

Isang buwan din sila sa Buenos Aires na namagtapos ng pag-hahanda sa kanilang mga pinal na kailangan. Lumuwas ang ENDURANCE mula dito upang tumungo sa Grytviken sa Timog Georgia (South Georgia) noong ika dalawampu’t anim/beynte sais (26) ng Oktubre. Dumating sila doon noong ika LIMA ng Nobyembre. Isang buwan na naman sila doon. Noong ika Lima (5) ng Disyembre, lumuwas ang bapor mula Grytviken patungo sa kontinente ng Antarktika para tuluyan na nilang isagawa ang kanilang pakay na ekspedisyon."

PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy