Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Ang Ekspedisyon Antarktika ni Ernest Shackleton Part 4 (11) TAGALOG


Listen Later

Historical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)

This story tells of the extra-ordinary and heroic feats the expedition crew suffered and endured. This is FOURTH (episode 4) of the 11-part series, TAGALOG version.

EXCERPT:

"Sa nakaraan, anim na linggo na nagkandahirap ang bapor na ENDURANCE sa pakikipaggiitan nito sa nagkalat at naglalakihang hielo na nanghaharang sa kanyang paglalakbay ng libu-libong milya.

Sandaang milya na lamang, isang araw na lamang at makakarating na ang Partido Endurance sa kanilang nakatakdang destinasyon noong biglang bumaba nang husto ang temperatura sa paligid.

Dahil dito, iyong mga nakakalat na hielo sa daanan ay biglang nagdikit-dikit sa palibot ng ENDURANCE. Nabitag ang bapor at naipit sa hielo. Naging parang butil ng almond na nadikit sa gitna ng malagkit na pulot.

Kinulong ng hielo ang naipit na bapor at isinama nitong idinaysdos na dinala sa gitna ng karagatan. Sinikap ng mga tao na paluwagan ang bapor at alisin ito sa pagkakabitag subalit walang kinahinatnan ang kanilang mga paghihirap.

Kung isipin, hindi kakatwa ang nagyaring sakuna dahil nangyayari na ang estadong ito sa ibang mga bapor na naglayag sa mga karagatan sa Arktiko at sa Antarktika. Sa kanilang kalagayan noon na sila’y nasa gitna nag karagatan na walang nakakaalam kung nasaan sila at kung ano ang nangyayari sa kanila, anuman ang mangyayaring kahihinatnan nila ay nakasalalay sa tibay ng loob at masidhing pamumuno ni Ernest Shackleton.

Nagdaan ang panahon at nagpatuloy na naipit ang bapor sa hielo. Sapilitan silang umalis sa bapor at nagkampo sa ibabaw ng hielo hanggang sa nawasak ang katawan ng bapor bago ito tuluyan nang hinilang palubog ng dagat sa ilalim ng hielo.

Dahil doon, nagbago na ang misyon ng Partido Endurance dahil nauwi na ito sa kanilang kaligtasang mabuhay. Ang kaligtasan na nila ang pinakamahalaga at pinaka-unang inisip ni Shackleton.

Nagpasya silang pumunta sa pinakamalapit na islang lupa sa pamamagitan ng pagtawid nila sa hielo sa ibabaw ng karagatan."

"...Nanatili sila dito ng tatlong buwan. Binalikan nina Frank Wild iyong iniwanan nilang bangka na Stancomb Wills doon sa iniwanan nilang kampo na OCEAN CAMP. Nagpasya sila na doon sa PATIENCE CAMP sila maghintay ng pagbuka at pagputok ng hielo.

Kapag magbitak na ito ng mapagkakasyahang dadaanan ng kanilang bangka, doon na sila magpatuloy na pupunta sa isla na SNOW HILL o minsan ay pinapangalanang PAULET ISLAND.

Malaking tulong ang husay at sipag ni McNeish na karpintero. Bagaman siya ang pinakamatanda sa kanilang lahat sa edad niya na LIMAMPU’T ISA (51). Maliksi ito at hindi nahihintong naggagawa ng trabaho at kung anu-ano.

Siya ang nagkukusang naglikha ng mga mahalagang gamit na pangresolba nila sa mga lumalabas na problema na hindi inaasahan at hindi napaghahandaan. Siya rin ang nagkumponi sa kanilang mga kagamitan upang maisilbi ang mga ito sa mga darating na pangangailangan.

Ginawan niya ng paraan na pinatibay at inayos ang kanilang mga bangka sa pamamagitan ng kanyang paggamit ng mga karaniwang mga bagay na kanyang nahanap sa paligid. Inayos niya ang kanilang mga gamit para mas matibay gamitin ang mga ito. "

"... Noong Enero ng sumunod na taon, nagdusa sila sa malalakas na hangin na kasabay ng pag-ulan ng niebe. Nanatili sila sa naa-anod na flow o hielo na naghintay hanggang sa nakarating ito sa puntong ang tungo ng agos ay Kanluran na siyang kinaroroonan ng isla na nag-ngangalang DECEPTION ISLAND (ISLANG PANLILINLANG). "

PLEASE LISTEN TO PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy