Sign up to save your podcasts
Or

Historical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)
This story tells of the extra-ordinary and heroic feats the expedition crew suffered and endured. This is FIFTH (episode 5) of the 11-part series, TAGALOG version.
EXCERPTS:
"Sa nakaraan, sa pagkakaipit at pagkakakulong ng bapor na ENDURANCE sa mga nagdikit-dikit na hielo sa karagatan, nauwi ito sa pagkawasak ang katawan nito hanggang sa tuluyan na itong lumubog pailalim sa kaunggan ng karagatan. Dahil dito, ang kaligtasan na ng bawat buhay ang naging pangunahing layunin sa isip ni Ernest.
Habang sila’y nasa kalagitnaan ng mabagsik na panahon sa nagngingitngit na karagatan, nangunguna sa pakay nila ang umalis sa kinaroroonan nila at makapunta sa pinakamalapit na lupang isla. Mayroon silang tatlong mga bangka at dito na nakasalalay lahat ng pag-asa nilang makalayo doon at makaligtas. Lumarga silang naglayag na nakipagsapalaran sa hindi napaghahandaang pagba-bago-bago ng tiempo sa dagat.
Nagkampo sila sa hielo kapag gabi at naglayag sila sa tubig kapag araw. Hindi sila huminto hangga’t nakikita pa rin nila ang direksiyong patutunguhan nila."
"Pitong araw at pitong gabi sila sa tatlong bangka sa gitna ng karagatan. Sinagupa nila ang mga gabundok na mga alon. Lumaban sila sa nakakapa-nginig na lamig, pagod, gutom at uhaw. Tatlong araw na hindi tumikim ng idlip o umalis man lang sa kanyang puesto sa bangka si Shackleton upang nakikita siyang walang takot at mapanatili ang tibay ng loob ng kanyang mga kasama. Isa sa mga kasama nila ang bumagsak na ang espiritu niya sa nerbiyos at takot. Ang mga sandaling ito, noong inalala ni Shackleton ito sa kanyang diary, sinabi niya roon ang katotohanan ng kanyang kalooban: Nagduda siya noon na maliligtasan pa nila ang gabing iyon.
Mayroon na sa kanila noon ang hindi na nakakaramdam ng ibang bahagi ng kanyang katawan dahil sa pagkakababad sa tubig. Isa sa mga ito si Blackie (Perce Blackborow) at ang lamig ay nanigas na sa kanyang paa.
Sa pagdilim ng araw na iyon, ang wari nila’y parang wala pa ring posibilidad na mapalapit sila sa lupa. Pakiwari ni Ernest ay nagsisimula nang nawawala ang katinoan at lakas ng kanyang mga kasama. Sa pagtingin niya sa kanilang mga mukha ay para nang multo at nag-alin-langan siya na malalagpasan pa ng mga ito ang gabing iyon. Noong magbitak ang araw, nakita ni Frank Wild na buhay pa lahat ang mga ito. Subalit ang kanilang kalooban na makisagupa sa dagat ay napapawi na.
Sa walang hangganang tanawing hielo, sinikap ni Ernest ang magmanman sa kadulo-dulo-an ng kanyang paningin noong bigla, sa di-kalayuan, lumitaw ang ELEPHANT ISLAND. Si Worseley na noon ay walang katulog-tulog na nanatili sa timon, ay maliksing umakto. Agad niyang ginabayan ang tatlong bangka papunta sa isla na noon ay nababalutan ng ulap. Sa wakas, sa ikapitong araw nila sa karagatan, pumasok ang tatlong bangka sa tubig na pumalibot sa isla. Naghanap ng ligtas na pagbababaan nila si Worseley.
At sa kabila ng kapaguran, gutom at hirap, noong mag-ika -KINSE ng ABRIL MIL NUEBE SIYENTOS DIYES Y SAIS (1916), nakarating silang lahat sa pinaka-HILAGANG (Norte) na bahagi ng ELEPHANT ISLAND. Noong makarating sila sa isla, ibinigay nila kay Blackie (Perce Blackborow) ang parangal na siya ang kauna-unahang taong bumaba at umapak sa pampang ng ELEPHANT ISLAND. "
PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE
By Norma HennessyHistorical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)