Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Ang Ekspedisyon Antarktika ni Ernest Shackleton Part 6 (11) TAGALOG


Listen Later

Historical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)

This story tells of the extra-ordinary and heroic feats the expedition crew suffered and endured. This is 6th (episode 6) of the 11-part series, TAGALOG version.

EXCERPT:

Ang nakaraan, nakarating ang grupo na pinamunuan ni Ernest sa isla na tinawag na ISLA NG ELEPANTE (ELEPHANT ISLAND). Bagaman ang katayuan nilang lumapag ay nabi- bingit na sa kamatayan, nakaraos silang nakarating nang buo. Ang islang kanilang napaglapagan, ang ELEPHANT ISLAND, ay nasa liblib na lupalop sa dakilang karagatan.

Hindi panarating ito na sinuman at sila pa lamang noon ang unang mga taong napad-pad doon. Hindi ito napupuntahan ng ano mang bapor na panghuli ng balyena o pangingisda at sa gayun ay wala silang maa-asahang bapor na maligaw na makakapagbigay sa kanila ng saklolo. Ipinasya ni Ernest ang lumuwas sa isang bangka upang humingi ng tulong sa South Georgia. Kumuha siya ng lima niyang makakasama na magbiyahe muli sa isang bangka habang ang iba ay maiwan at maghintay sa kanila.

At kung sakali man - ay anumang saklolong mangyaring maligaw habang maghihintay sila sa maipaparating nina Ernest na saklolo.

Matagal, dagsa ang pahirap at masyadong mapanganib ang paglalakbay na isasagawang ito nina Ernest. Sa panahong iyon ng Taglamig, ito rin ang tiyempo ng labis na kapanganib ang panahon sa rehiyon na iyon ng Antarktika at dagsa ang mga bagyo ng hangin at niyebe at kung ano pang sakunang dala ng panahon. Mula ng kanilang pagluwas, nagsimula na ang mga hinarap nilang problema. Ilang araw pa lamang silang naglayag may namataan na silang mga senyales ng mga wasak na bagay na galing sa salanta at ito’y naanod sa landas na tinatahak nila.

Noong nakarating sila sa bahagi ng tubig na DRAKE PASSAGE, napalublob ang bangka at pumasok ang tubig na lumipunos sa kanila. Nagmabilis silang nagtabo na nagtapon ng tubig. Sa ika-limang araw nila, lalong lumakas ang hangin at ibinaba nila ang malaking layag. Inilabas din nila iyong angklang pang-dagat (sea anchor) na parang payong o parakaida na itinatali sa bangka. Itinapon nila ito sa tubig pagkatali nila ito sa bangka upang manghagip at mangkulong ito ng hihilaing tubig at sa gayon ay mapigil niya ang masamang pagkakatulak ng bangka sa mabagsik na ihip ng hangin na siyang maglilihis sa kanila palayo sa linya ng kanilang landas.

Itong angkla ang siyang gamit nilang pang-panatili sa direksiyon ng bangka kapag may malakas na hangin. Gawa ito sa tatsulok na supot na kanbas. Itinatali ito sa bangka upang dadaus-dos mula sa harapan ng sasakyan. Sa pangyayaring iyon noon na labis ang lakas ng hangin, walang dudang nalihis sana ang bangka subalit nakayanan ng angkla na nilabanan ito kayat napanatili nilang tama ang direksiyon nila.

Kinaya ng JAMES CAIRD na nilabanan ang mga malalaking alon. Nagdusa ang mga sakay nito sa sobrang lamig at ihip ng mabilis na hangin na nagtilapon at nagpalipad ng mga nagdidikit-dikit na hielo. Nahirapan silang manilip na mang-suri sa nabigasyon nila. Panay ang tulak ng hangin sa bangka kayat nagbilin si Ernest na ipatungo nila ito sa kabilang ibayo na bahagi ng isla sa bandang Timog-Kanlurang tagiliran nito.

Sirang-sira na ang JAMES CAIRD noon kung tutuusin subalit kinaya pa rin naman nito ang naglayag. At kung hindi mapasuko noon ng kalupitan ng karagatan ang JAMES CAIRD , hindi rin nabawasan ang lakas ng loob ng mga sakay nito. Nakipag-tiisan silang naki-pagtunggali sa bagsik ng karagatan na pilit na nangpali-lihis sa kanila."

PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy