Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Ang Ekspedisyon Antarktika ni Ernest Shackleton Part 7 (11) TAGALOG


Listen Later

Historical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)

This story tells of the extra-ordinary and heroic feats the expedition crew suffered and endured. This is SEVENTH (episode 7) of the 11-part series, TAGALOG version.

EXCERPT:

"Sa nakaraan, labis-labis na paghihirap, pagkahapo at pagka-uhaw ang dinanas at tiniis ng anim na abenturero mula sila’y lumuwas mula ELEPHANT ISLAND na lulan ng bangkang JAMES CAIRD upang maglayag sila papuntang SOUTH GEORGIA na manghingi ng saklolo.

Panahon ng taglamig sa rehiyon na iyon ng karagatan sa Antarktika at siyang pinakamatinding pagbagsik ng panahon at karagatan. Naiwan ang dalawampu’t dalawang kasama nila sa ELEPHANT ISLAND para maghintay sila doon sa kanilang pagbabalik.

Nagkaintindihan din sila na kahit hindi maghintay ang mga naiwanan doon sa kanilang pagbabalik kung sakaling may mauna na darating na ligaw na bapor na maaring makasaklolo sa mga naiwan sa isla.

Naglakbay sina Ernest at ang limang kasama niya ng labing anim na araw hanggang sa nakarating sila sa pampang ng isla. Sa kasamaang palad, nalihis sila na napapunta sa kabilang ibayo ng isla at kinailangan nilang maglayag muli para makarating doon sa estasyon ng mga balyenero na STROMNESS dahil doon sila may mahihingan ng tulong.

Subalit sa mga sandaling iyon, karag-karag na ang estado ng bangka at malamang na hindi na nito makakayanan pang iparating sila doon sa kabilang ibayo. Nagpasya si Ernest na tawirin nila ang misteryoso pang interior ng isla para pumunta sa kabila.

Gawa na mahina na ang estado ng dalawa sa mga kasama niya, pinaiwan niya sina McNeish, Jon Vincent at McCarthy na maghintay at babalikan nila ang mga ito. Isinama ni Ernest ang dalawa – si Worseley at si Crean.

Alas TRES ng madaling araw noong tuluyan nang lumarga sina Ernest, Worseley at Crean mula sa Kampo Peggotty nila at sinimulan nila ang naglakad na umakyat sa kumpol ng mga burol na nabalot sa hielo.

Sa panahon na iyon, nakukumotan ito ng napaka-kapal na hielo at bawa’t hakbang nila ay naisagawa na panghuhula. Una silang lumibot sa tagiliran ng malaking bundok na hielo at minadali nila ang dumaan sa mga mas mababang bahagi ng paglandasan noong bumaba ang kati ng tubig-dagat.

Dumating sila sa bandang Silangang dulo ng bundok na hielo at natanto nila ang malaking ipinagbago nito sa loob ng BEYNTE KUWATRO oras na pag-ulan ng niebe at pag-ihip ng malakas na hangin.

Nag-anyo ang bundok na animo pamatok sa araro na nakaharap sa dagat. Nakita nila sa takdang sa likud ng bundok na hielo ang natipong labi ng pagkakalansag na nagpahiwatig ng masaking sakuna na nasagap ng isang sasakyang pang-karagatan. May nakita silang parang tadyang na kahoy na may ukit na maaring naggaling sa mga naunang bapor. Mayroon pang kahoy na may nakapaikut na bakal na kinain na ng kalawang, may wasak na bariles at mga karaniwang mga sirang bagay na gawa ng kabagsikan ng karagatan."

*Pangatlo na ito na nakakita sila ng mga bakas ng sakunang dagat sa tiyempong iyon. Maalala na mayroon noong bapor mula sa bayan ng URUGUAY na nagngangalang ARGOS. Ito’y lumuwas mula Argentina noong ika a-SIYETE ng buwan na iyan at nakatakda itong patungo sa rehiyon na ito subalit naisulat na ito’y biglang naglaho diyan sa rehiyon na iyan ng Antarktika na malapit sa Dagat ni KING HAAKON..."

PLEASE LISTEN TO PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy