Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Ang Ekspedisyon Antarktika ni Ernest Shackleton Part 8 (11) TAGALOG


Listen Later

Historical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)

This story tells of the extra-ordinary and heroic feats the expedition crew suffered and endured. This is the EIGHTH (episode 8) of the 11-part series, TAGALOG version.

EXCERPT:

"Sa nakaraan, mula sa paglakbay nina Ernest at ang limang kasama niya ng labing anim na araw mula sa ELEPHANT ISALAND, nakarating sila sa pampang ng islang SOUTH GEORGIA. Sa kasamaang palad, sa kabilang ibayo ng isla sila napatungo dahil sa pagsama ng panahon.

Kinailangan nilang maglayag muli para makarating doon sa estasyon ng mga balyenero na STROMNESS na siya ang pakay nilang puntahan. Subalit karag-karag na ang estado ng bangka at nagpasya si Ernest hindi nila ipagsasapalaran ang paggamit ng bangka kundi tawirin nila ang interior ng isla para pumunta sa kabila.

Gawa na mahina na ang estado ng iba, naiwan sina McNeish, Jon Vincent at McCarthy upang maghintay sa iba na siyang tutuloy na maglalakbay. Babalikan sila ang mga ito pagkakuha nila ng saklolo sa Stromness. Sina Ernest , Worseley at Crean ang lumarga na maglakbay na ang dalang pagkain ay para sa tatlong araw lamang.

Napasabak na naman ang tatlo sa iba-ibang pagsubok ng kalikasan palibhasa ang teritoryong kanilang tinahak ay hindi pa nai-mapa ang looban nito kung kaya’t ang kanilang bawa’t hakbang ay pakikipagsapalaran.

Matatarik na talampas, bangin, mabagsik na lamig at malakas na hangin ang kanilang pinagdahasang hinarap at kinasagupa. May tiyempong nailihis sila at agad silang bumalik upang itama ang kanilang patungohan. Ang mga panandaliang pahinga nila ay upang makakain lamang ng biskwit para mapanatili nila ang lakas nila at pagkatapos noon ay lumarga na naman silang naglakbay.

Nagkasya ang dalawa sa panandaliang idlip samantalang si Shackleton ay nanatiling gising. Sa pangatlong araw na kanilang paglalakad nakarating sila sa dalampasigan ng FORTUNA Bay.

Noong makalapit sila sa estasyon, pinagsikapan nilang ayusin ang kanilang mga sarili at nahiya sila na baka may mga babae sa loob ng estasyon at matakot ang mga ito sa anyo nila. Mahahaba na ang kanilang balbas. Naglalagkitan at nagdidikitdikit na ang kanilang mga buhok.

Sira-sira at para nang basahan ang kanilang mga kasuotang puno na ng mantsa at hindi na napalitan ng mag-isang taon na. May inilabas si Worseley na aspili na pinangdugtong niya sa mga punit ng kanyang kasuotan. Mag-alas TRES na ng hapon at ika BEYNTE (20) ng Mayo, MIL NUEBE SIYENTOS DIYES Y SAIS, noong sila’y pumasok sa estasyon na pakay nila.

Tatlumpo’t anim na oras na silang naglalakad at nangtatahak sa mga hielong bundok sa interior na walang tulog; at ang itsura nila noon ay sadya nang mapagkakatakutan.

May nakasalubong silang kabataan at noong nagtanong si Shackleton sa kanila, agad na tumakbo ang mga ito na natakot sa anyo nila. Ganuon din ang pagkatakot na naipasalubong sa kanila nung isang matanda na nakatagpo nila..."

PLEASE LISTEN TO PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy