Sign up to save your podcasts
Or

Historical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)
This story tells of the extra-ordinary and heroic feats the expedition crew suffered and endured. This is NINTH (episode 9) of the 11-part series, TAGALOG version.
EXCERPT:
"SA NAKARAAN: ..Sa kasamaang palad, doon sila napadpad sa kabilang dako ng puntirya nilang lugar at kinailangan nilang maglayag muli papunta doon – sa estasyon ng balyenero sa STROMNESS dahil naroon ang pakakakuhanan nila ng tulong.
Subalit sa mga sandaling iyon, sira-sira na ang JAMES CAIRD na bangka nila at negdesisyon si Ernest na lakbayin nila ang isla sa looban o interior nito. Hapong-hapo na ang iba sa kanila at hindi na makakayanan pang maglakad. Pinaiwan niya ang tatlo na maghintay habang siya at dalawa nilang kasama ay maglakad sa looban ng isla papunta sa kabilang gilid ng isla.
Nakarating ang tatlo sa HUSVIK na estasyon ng balyenero sa STROMNESS at nabalikan ang tatlong naiwan. Hindi nag-antala pa si Ernest pagdating niya sa Stromness. Kaagad itong nang-ayos ng pagsaklolo sa mga taong naiwan sa ELEPHANT ISLAND. Dagsa ang mga salimuot na hinarap ni Ernest sa kanyang pag-ayos ng pananaklolo. Dahil kasalukuyan pa rin ang digmaan sa Kanlurang Bahagi ng Mundo (sa Yuropa), nahirapan siyang nakakuha ng angkop na bapor.
Sa tatlong beses na nakakuha siya ng bapor at nagtangkang sumaklolo, pawang hindi ito nagtagumpay. Sa bandang huli, nakahiram siya mula sa gobyerno ng Chile ng barkong pangtrabaho na panghila sa mga sasakyan sa dagat. Bagaman, salat ito sa ano mang karangyaan ng pampasaherong barko, ito’y nakapasok sa dagat sa palibot ng Elephant Island.
SAMANTALA, ANO ANG NAGING BUHAY NG MGA NAIWAN SA ISLA NG ELEPANTE?
Sa mga buwan na nakaraan, noong lumuwas na ang JAMES CAIRD na lulan sina Shackleton at ang lima niyang mga kasama para manguha ng saklolo para sa kanilang lahat na nasa ISLA NG ELEPANTE, naramdaman ng mga naiwan sa isla na iyong ginawa nilang kampo doon ay mas masahol ang pagkaka-lantad nito sa mga elemento ng karagatan at panahon kaysa iyong kampo nila noon sa patag na hielo sa Weddel Sea. Walang tigil ang bagyo ng niyebe. Umulan ng hielo at walang hinto ang bugso ng ihip ng malalakas na hangin. Minsan ay nagiging ipu-ipo pa ito. Nakulong sila sa makitid na karugtong ng pampang sa may bukana ng dagat. Nagsukat noon ang kanilang kinalalagyan ng LIMAMPUNG (50) yarda sa pinakamahaba niyang punto, at APAT NA PU’T (40) YARDA naman ang kalapad ng pinakamalapad na bahagi nito.
Napa-ikutan ng naghielo nang dagat ang harapan at hindi nila kayang maakyat ang bangin na hielo sa likuran nila. Patuloy ang pag-sama ng panahon, at karamihan na sa kanila, ay hindi na, nakakaramdam ang ibang bahagi ng kanilang mga katawan.
Bago noong pag-alis nina Ernest, sinubukan nilang gumawa ng kuweba sa may malapit sa bundok na hielo (gleysyer) subalit naging walang saysay ito. Hindi tumigil ang pag-agos ng niebe mula sa bundok na pumunta sa nahukay na nilang espasyo. Nagtunaw pati ang hielo sa loob dahil sa init na galing sa mga katawan ng mga tao sa loob. Lumipat sila mula doon sa kinaroroonan nila. Nilayuan nila ang parteng nararating ng pag-apaw ng tubig..."
PLEASE LISTEN TO PODCAST FOR THE FUL:L AND COMPLETE EPISODE.
By Norma HennessyHistorical narrative about the expedition of Ernest Shackleton in Antarctica in 1914-1916. This narrative is lifted from the book ‘SAMUT-SAMOT ITI TARIKAYO’ (“SAMUT-SAMOT SA PUNONG HALIGI”)