Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Ang Sengoku Jidai Part 2 (4) Tagalog


Listen Later

Historical narrative about Japan’s Sengoku Jidai in Tagalog (Philippines). This is the 2nd of 4 parts.

EXCERPT:

Noong MIL KUWATRO SIYENTOS WALUMPO’T DALAWA, bagaman sinabi ni YOSHIMASA na siyang shogun noon, sa kanyang anak na si YOSHIHISA na ibibigay na sa kanya ang tituto ng shogun ng Bakofu ASHIKAGA, nanatili naman itong nanungkulan at naki-alam sa pamamahala ng bakofu, lalo na sa mga tungkulin na diplomasiya at pakikipag-usap sa mga nasa poder at otoridad. Gayundin sa mga desisyon tungkol sa templo ng mga Buddhist. Yong malimit noon na pakikialam ng kanyang parehong magulang kay YOSHIHISA, ito ang naka-inis sa kanya. Noong MIL KUWATRO SIYENTOS WALOMPU’T PITO, nagkakaedad na noon ng dalawampu’t dalawa (22) si Yoshihisa at nanunungkulan na ito na pang-siyam na shogun ng Bakofu Ashikaga.

Sa taon na ito, namuno si Yoshihisa ng militar na bumilang ng DALAWAMPUNG LIBONG SUNDALO at sinugpo nila ang pag-alsa ni ROKAKKU TAKAYORI na siyang pamunuan ng probinsiya na OMI.

Noong MIL KUWATRO SIYENTOS WALUMPO’T WALO, (1488) pinalitan ni Yoshihisa ang kanyang pangalan at ginawang YOSHIHIRO. Unti-unti rin itong napalulong sa pag-inom ng alak. Iniba niya ang kanyang interes mula sa pamamahala ng militar at itinuon niya ang kanyang panahon sa artes at letras. Ini-asa niya ang kanyang panunungkulan sa mga taong malalapit sa kanya. Noong MIL KUWATRO SIYENTOS WALUMPO’T SIYAM, (1489) namatay si YOSHIHISA o YOSHIHIRO sa edad niya na dalawampu’t apat lamang (24). Nangyari ito sa kanyang ekspedisyon sa Omi.

.Nasuspetsa noon na ang sanhi ng kanyang pagkamatay ay atake sa puso dahil napapabayaan siya sa luho na alak at bisyo. Kaya, naipasa-kamay na naman ulit ang pamamahala ng bakofu kay Yoshimasa.

At gaya ng karaniwang ginagawang tradisyon ng lahi nila, kinula noon ni Yoshimasa na alaga niya ang anak ng kanyang kapatid na Yoshimi, ang batang si YOSHIKI na kilala rin sa pangalang YOSHITANE. Naisilang ito noong MIL KUWATRO SIYENTOS ANIM NAPU’T ANIM (1466).

Maliban kay YOSHIKI o YOSHITANE, kumuha pa rin siya ng pangalawang alaga na pamangkin niya. Kinuha niyang alaga ang anak ng kanyang kapatid sa ama na si ASHIKAGA MASATOMO. Kapatid nina Yoshimasa at Yoshimi si MASATOMO sa ama. Iyong anak ni Masatomo na kinuhang alaga ni YOSHIMASA ay ipinanganak noon enero ng MIL KUWATRO SIYENTOS WALUMPO’T ISA (1481) at nagnga-ngalang YOSHIZUMI. Itong kostumbre na pagkakaroon ng alagang pamangkin ang shogun ay pampatibay sa linya ng pagpapamana ng shogun ng pamumuno ng bakofu sa kanilang lahi. Ang lohiko nito ay kung mawala man ang naka-upong shogun, iyong mga miyembro ng kanyang pamilya na kanyang inalagaan at pinalaki ang siyang pang-ga-galingan ng papalit sa pamunuan at katungkulan bilang shogun.

Noong namatay si YOSHIHISA na noon ay gumaganap nang shogun, sinamahan ni YOSHIMI na tiyuhin nito si YOSHIKI sa Kyoto. Anak ni YOSHIMI si YOSHIKI at pinsan ito ng namatay na si YOSHIHISA.

. Pagkatapos nito, pumasok si YOSHIMI na monghe muli sa templo ng TSUGEN sa distrito ng SANJO, na siyang tinitirhang lugar ng kanyang anak na babae. Kinuha niya ang pangalang DOZON sa kanyang pagpasok muli na monghe.

PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy