Sign up to save your podcasts
Or

Isang bihag ng digmaan ang naipadala sa isang pook na nagngangalang Baofeng sa siyudad ng Pingdingshan. Ang lugar na ito ay sakup ng probinsiya ng Henan sa Tsina. Si Uchida Kanji ay nasa destino noon bilang opisyal sa lugar na Lushan.
Noong dumating ang bihag na Tsino sa garison ng mga Hapon, pinaupo ng opisyal na Hapon ang bihag sa opisina ng naatasang opisyal na pinuno ng garison.Noong dumating ang gabi, nagpakuha si Uchida Kanji ng pagkain para sa bihag mula sa kusina ng kampo. Ang pagkaing pinakuha niya ay kagaya ng kanyang sariling pagkain bilang opisyal. Habang sinasabihan ni Kanji ang bihag na tikman muna lang niya ang pagkain at baka may lason iyon, isinabay din niyang pinaluwagan ang posas sa mga kamay ng bihag.
Napansin ni Kanji na parang nagutom nang husto ng ilang araw ang bihag dahil mabilis niyang nilunok ang pagkain nang wala nang nguya-nguya pa.Sa sumunod na araw , naghintay si Uchida ng utos at instruksiyon mula sa opisyal na nasa itaas niya at habang siya’y naghihintay, nang-atas siya ng guwardiyang magbantay sa bihag sa gabi upang hindi ito makatakas. Binabalaan din niya ang bihag na huwag na huwag siyang magtangkang tumakas.
Sa sumunod na umaga, nakatanggap ng bilin si Uchida mula sa Unang Tenyente sa itaas niya. Ibinilin sa kanya na kailangan niyang patayin ang bihag.Naisip ni Unchida na kapag dalhin niya ang bihag sa sulok ng pook, masisilayan ng mga residente na mga sibilyan ito. Makikita nila ang kanyang isasagawa. Ang pook na iyon ay teritoryo ng mga kalaban sa mga nakaraang buwan bago naokupahan ng mga sundalo ito ng Hapon. Sa gayun, malaki ang posibilidad na mayroong sundalong kalaban na nagpapanggap na sibilyan sa mga nakatira sa pook.
Natanto ni Uchida na kung papatayin niya ang bihag, ito ang magiging dahilan na titindi ang pagkamuhi ng mga taga pook na iyon sa mga sundalong nakadestino doon. Sa mga panahon na iyon, bumibilang ng limampu sina Uchida kasama ng ibang mga sundalong Hapon na naroroon at nasa ilalim ng Tenyente sa garison ng Baofeng. Ang mga sundalong ito ay mga naihiwalay sa kani-kanilang mga grupo dahil hindi na sila makakayang makipagdigmaan.Dagdag pa doon, iyong tatlong naatasang mga opisyal nila, pati na si Uchida ay mga kalalabas lamang sa ospital dahil sa kanilang mga pinsalang natamo sa pakikipagdigmaan. Sa totoo lamang, wala sila sa kundisyon na lumaban.Dalawa sa mga bihag ang Koreano at isa sa kanila ang hindi nakakapagsalita ng salitang Hapon. Sa kanilang pagpunta noon sa kabayanan, ang unang bihag ay naisakay sa kariton na hinihila ng kabayo.
Marami sa mga nakatira sa pook na nakalinya sa tabi ng daan, ang nakakita kina Uchida at sa mga bihag na hawak nila. Malinaw ang pagkapoot sa mga mata ng mga mamamayan na nakatingin kina Uchida.
Listen to the podcast for the full story
By Norma HennessyIsang bihag ng digmaan ang naipadala sa isang pook na nagngangalang Baofeng sa siyudad ng Pingdingshan. Ang lugar na ito ay sakup ng probinsiya ng Henan sa Tsina. Si Uchida Kanji ay nasa destino noon bilang opisyal sa lugar na Lushan.