Sign up to save your podcasts
Or

“…Sa ibaba ng kampo ni Scipio ay ang bayan ng Tegea kung saan ay naglagay si Scipio ng kanyang garisondoon na may apat na raang kabayo. Nagkahamunan ang lupon ni Scipio at ang hukbo ni Caesar kung saan maraming mga tauhan sa panig nis Scipio ang nalagas.”
“…Dumating si Caesar sa sadyang lugar at natagpuan niya ang armi ni Scipio na nakapormasyong handa sa digmaan sa unahan ng mga hukay ng mga pagkubli-an. Ang mga elepante ay naipuwesto sa magkabilaang kanan at kaliwang tagiliran. Bahagi ng kanyang hukbong sundalo ay abalang nagtatrabaho na nagpapatibay sa kanilang kampo.
“…Pagkakita ni Caesar sa gayak na ito ng kaaway, pinag-ayos niya ang kanyang armi sa tatlong hanay, inilagay niya ang pansampu at pangalawang lehiyon sa kanang tagiliran, ang pangwalo at pangsiyam na lehiyon sa kaliwang tagiliran, panlimang lehiyon ang nasa gitna, at dinepensahan niya ang kanyang tagiliran ng limang pangkat at sila ang nakapuwestong katapat ng mga elepante. Inilagay niya ang kanyang mga mamamana at funditores sa dalawang gilid at pinaghalo niya ang magaang impanterya at kanyang kabalyerya.”
“…Isa-isang pinuntahan mismo ni Caesar ang bawat ranggo para palakasin niya ang kalooban ng mga beterano, nagpapaala-ala sa kanila tungkol sa kanilang mga nagdaang pagwawagi, at binubuhayan niya sila ng motibasyon sa kanyang mga magandang pangusap. Inudyukan niya ang nga bagong rekluta na wala pang karanasan na gayahin ang kagitingan ng mga beterano at pagsikapan ang tagumpay para makakamit ng kahit kaunting pangalan, luwalhati at kabantogan.”
“…Ang kabalyerya ni Scipio na nakatakas sa digmaan ay patungo din doon sa Utica at sila ay naglakbay sa daan patungo doon. Dumating sila sa bayan ng Parads subalit tinanggihan silang papasukin doon ng mga nakatira doon dahil narinig na nila ang pagkapanalo ni Caesar at kaya tinatanggihan nilang mangkanlong ng mga takas sa panig na natalo. Pinuwersa ng kabalyeryang Scipio ang mga lagusan sa bayang ito, nagsindi sila ng malaking apoy sa gitna ng plasa (forum) at ipinaghahagis nila ang lahat na mga binihag nilang mga nakatira doon nang walang pinili- matanda, bata, babae, lalaki at doon sila naghasik ng nakakagimbal na pagngalit at malagim na paghiganti.”
“…Marami sa ibang nakatakas ang nagpunta sa Utica. Pinulong ni Cato ang mga ito kasama ang tatlong daan pa na nagbigay kay Scipio ng pera para ipagpatuloy ang digmaan at inudyukan silang palayain nila ang kanilang mga alipin at kaugnay sa mga ito, depensahan ang bayan. Subalit noong nakita niya na bagaman nagtipon ang mga ito, ang kadamihan ay nangingilabot at determinadong tumakas, pinagbigyan niya sila at binigyan niya sila ng kanyang mga bapor para makalarga silang umalis. Siya mismo, pagkatapos niyang maayos ang lahat nang malinis at maingat, at inihabilin ang kanyang mga anak sa quaestor na si Caesar, matiwasay niyang inihanda ang kanyang kilos na naaayon sa kanyang prinsipyo.”
“…Gustong magmadali si Caesar na tahakin ang layong apatnapung milya mula Thapsus tungong Utica sapagka’t kinasabikan niyang mahuli si Cato.
Subalit dumaan muna siya sa bayan ng Usceta kung saan nakaimbak ang malaking kantidad ng mais, mga sandata, mga tunod at iba pang gamit sa bakbakan na binabantayan ng ilang mga tauhan. Sinakop niya ito at tumungo siya sa Adrumetum at inalam niya ang mga nakatago at nakaimbak doong pera, mga probisyon at mga kagamitang pandigmaan. “
“…Samantala, noong tumakas si Haring Juba na kasama ni Petreius, patago-tago sila sa mga nadaanan nilang mga pook at naglakbay lamang sila sa gabi hanggang nakarating sila sa Numidia. Dumating siya sa Zama, ang kanyang karaniwang tirahan, kung nasaan nakatira ang kanyang mga asawa at mga anak, at kinaroroonan lahat ng kanyang mga kayamanan at mga mahalagang bagay na kanyang pag-aari…”
Please listen to the podcast for the full narrative
By Norma Hennessy“…Sa ibaba ng kampo ni Scipio ay ang bayan ng Tegea kung saan ay naglagay si Scipio ng kanyang garisondoon na may apat na raang kabayo. Nagkahamunan ang lupon ni Scipio at ang hukbo ni Caesar kung saan maraming mga tauhan sa panig nis Scipio ang nalagas.”