Sign up to save your podcasts
Or

part 7 (Umpisa ng Digmaan sa Gaul )
“Sa nakaraan, naipakilala si Gaius Julius Caesar, isa sa pinakabantog, pinakakatangi-tanging taong nabuhay sa mundo sa sibilisasyong kanluranin; naging dakila sa pagiging pinunong stratehiko sa militar, manlulupig ng teritoryo at pinuno sa pamunuan sa kasaysayan. Isa rin siyang mahusay na manunulat at orador o mananalumpati.”
“…Mabilis ang pag-angat ni Caesar dahil pagkatapos ng kanyang pagiging praetor, noong taon na 59 BC nahirang siyang konsul. Ito na ang posisyon na pinakamataas sa pamahalaang Roma. Noong natapos ang kanyang termino na isang taon, siya’y naatasang gobernador sa teritoryo ng mga Gaul kung saan nabigyan siya ng kapangyarihang mamahala sa napakalawak na lugar at may hawak na maraming lehiyon ng hukbong militar. Noong malaman ng kanyang mga pinagkautangan na pupunta siya sa malayong probinsiya, umangal ang mga ito.
Nalutas ang problema ni Caesar dahil tumulong sa kanya ang kaibigan niyang si Crassus. Ginarantiyahan nito ang pagkakabayad ng mga utang ni Caesar at noong sumang-ayon na ang kanyang mga pinag-kautangan tumuloy na si Caesar para manungkulang gobernador sa malayo at malawak na probinsiya na kinaroroonan ng mga katutubong Gaul.
Sa Gaul, ang malimit na pagpasok dito ng mga tribung barbaro na Allemanni ay nagsimulang manggulo sa mga katutubo doon at naging malimit ang mga paglalabanan…”
“Sinikap ni Caesar na isaayos ang mga ito. Subalit maraming mga tribu ang hindi lamang naglalabanan kundi naghimagsik din laban sa pamunuang Romano dahil sa hindi nila gustong pakikialam ng Roma sakanilang kalayaan at pamumuhay. Naganap ang mga sunod-sunod na mga labanan sa Gaul na nagtagal ng walong taon magmula 58 BC hanggang 50 BC.
Nasugpo ng pamunuang Romano ang mga katutubong Helvetii sa Arar at sa Bibract (58 BC), ang mga Suebi at mga Aedui sa BULUBUNDUKIN NG VOSGES, mga Nervii sa Sabis(57 BC), at ang mga Belgae sa Axona (57BC)…Ang mga nasupil na mga iba-ibang tribu sa Gaul ay hindi masaya na ang kanilang kalayaan ay mapasa-kamay sa mga Romano. Kabilang dito ang tribungkeltang-Alemanni na mga Eburones ay nakatira sa hilagang bahagi ng Ardennes sa rehiyon na malapit sa lugar na ngayon ay Timog Olandia, Silangang Belhika at Rhineland….”
“…Sa kabilang dako, sa kanyang pananagumpay laban sa mga Romano, lumakas ang loob ni Ambiorix at siya’y personal na nagpunta sa mga Aduatuci at mga Nervii at hinimok silang magsagawa ng panibagong pagsalakay sa mga Romanong nagpapahinga sa teritoryong Nervi sa ilalim ng pamumuno ni Quintus Tulius Cicero. Nagkasundo ang mga Nervii at nagbuo sila kaagad ng puwersa mula sa pinagtawag nilang mga mandirigma sa iba-ibang tribu sa Gaul na nasa kanilang pamunuan – ang mga tribung Centrones, Grudii , Levaci, Pleumoxii at Geiduni.
Tamang-tama ang pagdating ng hukbong ni Caesar na sumaklolo at naharang ang mga pagtagpu-tagpo ng mga tribu. Habang nangyayari ito, sa kabilang lugar ng Treveri, naroon noon si Labienus, ang legatus na pangalawa kay Caesar na kumandante, ay naharap din sa panganib ng pagsalakay ng tribu dahil nagkalat na noon ang himagsikan ng mga Eburones. Ilang araw na nanatili si Labienus at kanyang armi sa kuta nila habang araw-araw noong nagpapadala ng pabugso-bugsong paglusob si Indutiomarus…”
Listen to the podcast for the full and complete episode.
By Norma Hennessypart 7 (Umpisa ng Digmaan sa Gaul )