Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

“Mabuhay ka nang Para sa Ating Dalawa”


Listen Later

Salaysay ito tungkol sa buhay ng isang lalaking kilala sa pangalang Andres. Kilala siya sa kanyang bayan dahil sa dagsa na kanyang mga ginagawang pagtulong sa mga tao at pagsilbi sa komunidad. Marami siyang mga isinagawang personal na sakripisyo dahil sa habag niya sa mga tao at upang makatulong. Malimit siyang tumatayong sandalan ng mga taong walang kakayahan. Masigla siayng tumutulong sa mga nangangailangan ng tulong. Hindi siya nababagot na gumawa ng lahat ng kanyang makakaya upang ipagtanggol ang mga mahihirap at naa-alipusta. Habang siya’y nagkakaedad, minithi ng mga taong kanyang tinulungan na parangalan siya. Subalit tumanggi siyang tumanggapng anumang parangal na gustong igawad sa kanya ng komunidad.

Sa unang pagkatataon, isinalaysay niya ang isang pangyayaring bumalot sa kanyang prinsipyo sa buhay.Panahon noon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan. Labing tatlong taon si Andres at siya ay nakatira sa bayan ng Austria noong dumating ang mga Aleman na sumakop sa bayang ito. Matapang at mataas ang kumpiyansa sa sarili ng mga mamamayan sa Austria at ipinasiya nilang lalaban sila.

Sa bayan na kinaroroonan noon ni buong pamilya ni Andres, nagkaisa lahat ang mga lalaki, bata o matanda , na sisirain nilang isabotahe ang planta ng elektrisidad sa bayan na iyon upang hindi ito magamit ng mga sumakop na mga Aleman laban sa kanila.Alam lahat ng mga natipun na mga lalaking mamamayan na ang kanilang isasagawang sabotahe ay magiging sanhi ng pagpapahirap sa kanila ng mga Aleman dahil doon din galing ang elektrisidad ng gamit ng sambayanan.

Subalit ang hindi nila napaghandaan ay ang agad-agarang pagpaparusa na isasagawa ng mga mananakop na Aleman sa kanila.Kina-umagahan ng araw na kanilang isinagawa ang pagsira sa planta ng elektrisidad, dumating ang sunod-sunod na mga trak na lulan ang mga Alemang sundalo. Narinig ng mga mamamayan ang ugong ng mga dumating na mga sasakyan bago nagbukang liwayway.

Listen to the podcast/ audio for the full story.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy