Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Magkaaway na Naging Magkaibigan


Listen Later

Ang salaysay na ito ay tungkol sa hindi inasahang umusbong na pagkakaibigan nina Eric Lomax ng Britania at si Takashi Nagase ng Hapon pagkaraan ng ilang dekada mula nang nagtapos ang Ikalawang Digmaang Pangsandaigsigan na kung saan ay nagkatagpo silang magkaaway. Si Eric Lomax ay nanilbihan noong sundalo sa Singapore para sa Alyansa na kinasapian ng Britania noong siya’y nasawimpalad na nahuli ng mga kalabang Hapon at siya’y binihag. Taong 1942 noon at kainitan ng labanan. Sa digmaang ito, kaalyansa noon ng Britania ang mga bansang Estados Unidos, Rusya, Pransiya at Tsina. Samantala, ang Hapon ay nasa panig ng alyansang Aksis (Axis) na pinamunuan ng Alemanya at Italya.Ipinadala ng mga Hapon ang mga bihag nilang sundalo ng Alyansa, kasama si Eric Lomax sa lugar na nasa pagitan ng Burmaat Thailand upang gawin silang aliping trabahador sa ginagawa ng mga Hapon na tulay at daanan ng tren. Ang ginagawa noong daanan na ito ay sumukat ng 415 kilometro magmula sa lugar ng Ban Pong sa Thailand hanggang sa bayan ng Thanbyyuzayat sa Burma. Sinimulan ng mga Hapon na itayo ang tulay na daanan at pinangalanang Tai-Men Rensetu Tetsudo (Thailand-Burma Link Railway) noong 1940 at ipinagpatuloy ang paggawa upang tapusin ito hanggang 1944.Ginamit nila itong pinagdaanan ng kanilang mga sundalo at mga suplay sa digmaan sa Burma. Sa mga bihag na nagtrabaho ng sobrang hirap, binansagan nila ito ng “Riles ng Tren ng Kamatayan” (Death Railway). Ang mga bihag ng mga sundalong Hapon na mga sundalo ng Alyansa ay siyang mga ginawang trabahador.Habang si Eric Lomax ay nagtrabahong bihag ng digmaan (prisoner of war), nagdusa ito ng maraming pahirap mula sa mga Hapon; lalo pa noong nahuli nila ito na may hawak siyang mapa at radyo. Ang radyong nakuha sa kanya ay kinumpuni at ginawa niya mula sa mga maliliit na mga retaso ng mga kasangkapan na napulot niya. Inipun-ipon niya ang mga maliliit na bahaging ito na kanyang napupulot-pulot sa paligid niya habang siya’y nagtatrabaho. Pinarusahan siya hanggang sa nagkanda-basag- basag ang kanyang mga buto. Pinagbubuhusan ng mga Hapon ang kanyang ilong at bunganga ng tubig.Mahigit na 60,000 bihag sa digmaan ang mga binusabos ng mga Hapon para maipatayo ang tulay na ito. Humigit kumulang sa 250,000 na mga sibilyan na Asiano ang pinuwersa ng mga Hapon na dagdag ng mga bihag na nagtrabaho. Karamihan sa mga ito ang taga Java, mga taong tinatawag na Karen mula sa Burma, mga taong Tamil na galing sa Malaya, mga taga Burma, Tsino at mga taga Thailand. Bumilang ng 90,000 ang mga sibilyan na namatay dahil sa pahirap sa kanila sa trabaho at mga 12,000 (LABINDALAWANG LIBO) ang mga bihag ng digmaan ang namatay sa laon ng panahon ng konstruksiyon. Lubus-lubusan ang pahirap na ipinataw ng mga Hapon sa mga trabahador sa tulay na ito na pumasa-loob sa masukal na kagubatan sa lugar na pagitan ng dalawang bansa.Hindi nakalimutan ni Eric Lomax si Takashi Nagase, na sa mga panahong iyon ay nagtrabahong taga-salin ng salitang Hapon sa Ingles at Ingles sa Hapon upang magkaintindihan ang mga Hapon at ang mga aliping bihag. Bagaman hindi nagpataw si Nagase ngpisikal na pahirap at pinsala kay Eric Lomax, iyong mga panakot at pagbabanta ni Nagase noon sa kanya habang siya’y pinapahirapan ng mga sundalong Hapon ay hindi niya makalimutan. Matagal na panahon na pinag-isipan niyang paghiganti-an at patayin ito.Hinangad na patayin ni Lomax ito noong sila ay nagtagpo noong 1993, mahigit na kalahating siglo pagkalipas ng digmaan. Ang kanilang pagtatagpo muli ay bagay na nagsimulang sumibol noong nabasa ni Lomax sa isang ulat sa peryodiko ang tungkol sa isang Hapon na nagngangalang Nagase na nagsi-sisi at nagdadalamhati sa kanyang mga nagawang paglalapastangan sa isang sundalong taga Eskosya na kasapi sa Britania sa nakaraang Ikalawang Digmaang Pangsandaigdigan.Listen to the podcast for the full story.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy