Sign up to save your podcasts
Or

"... Sa mga panahon ng kapanganakan ni Konstantino, ang Imperyo Romano ay pinamamahalaan ng lupon ng apat na pamunuan o tetrarkiya. Binubuo ito ng dalawang nakakatandang emperador o augustus at dalawang nakababatang diputado o caesar: ang mga ito ay sina Augustus Diocletian (Gaius Aurelius Valerius Diocletianus), Caesar Maximian, at mga nakababatang diputado’ na sina Galerius at Constantius Chlorus. Si Constantius Chlorus ay ama ni Konstantino. Sa antas ng kapangyarihan ng dalawang diputado, si Constantius Chlorus ay sumusunod noon kay Galerius.
Si Emperador Augustus Diocletian, ang nakakatandang emperador na may hawak ng Asia Minor, Ehipto, Syria at Mesopotamia. Si Caesar Maximian na kasamang emperador ang may hawak ng Italia, Espanya at Aprika. Si diputado Galerius ang namuno ng Balkan at Pannonia at si diputado Constantius Chlorus ang namuno ng mga probinsiya ng Gaul at Britania.
Si Constantius Chlorus ay nakatala sa kasaysayan na MARCUS FLAVIUS VALERIUS CONSTANTIUS na naging emperador na caesar magmula 293 AD hanggang 305AD. Sa sumunod na panahon siya ay naging emperador Augustus hanggang sa siya ay namatay. "
Si Konstantino ay panganay na anak ni Constantius Chlorus na sa panahon ng kapanganakan niya, si Constantius Chlorus ay isangmataas na opisyal sa militar sa pamunuan ni matandang Emperador Augustus Diocletian.
"...Si Constantius ay naging kasapi ng Protectore Augusti Nostri sa ilalim ng Emperador na si Aurelian sa panahong 270 hanggang 275 AD). Ang Protectore Augusti Nostri ay titulong iginagawad sa marangal na lupon ng mga piling-pili na opisyal militar na matapat sa emperador at mga nabubukod tangi sa kanilang kakayahan, katapatan at mga katangian bilang sundalo.
Nakilaban siya sa bandang silangan laban sa mga tauhan ng tumiwalag na Imperyong Palmyrene sa ilalim ng pamunuan ni Reyna Zenobia. Opisyal noon si Constantius Chlorus sa hukbo militar noong ang hukbo militar ni Reyna Zenobia ay pinagwagian at sinugpo ng dating naunang emperador ng Roma na si Marcus Aurelius Probus o Emperador Aurelian.
Natamo niya ang ranggong tribunus sa armi at nai-angat siya sa posisyong praeses o gobernador sa probinsiya ng Dalmatia. Noong nagtapos ang kanyang termino bilang gobernador, siya ay ina-angat sa pagiging praefectus praetorio o komandante ng mga personal na guwardiya ng emperador.
Sa mga sumunod na taon pagkatapos na naipanganak si Konstantino, unang anak ni Constantius - si Constantius Chlorus ay naging diputadong Augustus ng pamunuang Diocletian at siya ang naatasang namumuno sa bahagi ng Imperyo na sumakop sa Gaul at Britania. Naipanganak si Konstantino sa lugar na Naissus na ngayon ay kilala na sa pangalang Nisch, sa timog na bahagi ng bansang Serbia.
"...Galing sa angkang hindi maharlika si Constantius Chlorus subalit kanyang kagitingan sa militar ay katangi-tangi at ito ang nagdala sa kanya sa tugatog ng karangalan. Ang kanyang dignidad at estado sa buhay ay pangunahin ang kahalagahan. Politika ang dahilan ng kanyang pag-aasawa kay Theodora. Ito’y isang panegurong pamamaraan para mapatibay ang kanyang estado sa pamunuan. "
"...Sa kanyang promosyon noong taon 293 AD bilang Caesar o Nakababatang Emperador (junior emperor) sa korte ni Maximianus, nagpalit ng Apelyido ni Constatius Chlorus. Ang kanyang buong pangalan ay naging Flavius Valerius Constantius Caesar Herculius dahil bilang alituntuning kaugnay ng kanyang promosyon, ‘inampon’ siya ni Emperador Maximianus.
Please listen to the podcast for the full narrative.
By Norma Hennessy"... Sa mga panahon ng kapanganakan ni Konstantino, ang Imperyo Romano ay pinamamahalaan ng lupon ng apat na pamunuan o tetrarkiya. Binubuo ito ng dalawang nakakatandang emperador o augustus at dalawang nakababatang diputado o caesar: ang mga ito ay sina Augustus Diocletian (Gaius Aurelius Valerius Diocletianus), Caesar Maximian, at mga nakababatang diputado’ na sina Galerius at Constantius Chlorus. Si Constantius Chlorus ay ama ni Konstantino. Sa antas ng kapangyarihan ng dalawang diputado, si Constantius Chlorus ay sumusunod noon kay Galerius.