Sign up to save your podcasts
Or

Noong nagtapos ang Pangalawang Digmaang Pangsandaigdigan, naipadala ang mga nahuling mga bilanggong Hapones na sundalo sa mga kampo na hawak ng mga puwersang Alyansa sa nasyon na Burma. Ang bayang ito ay kilala ngayon sa pangalang Myanmar.
Isa sa mga grupong militar na Hapon na nabilanggo ay nagngangalang Kiku (Chrysanthemum). Naipadala ito sa kampo sa siyudad na Rangoon ng bansang Burma. Isang masukal at ilang na kakahuyan ang kanilang nilinis at ginawang kampo. Nabakuran ito ng alambreng may tinik. Ang mga guwardiya doong may hawak na mga bayoneta ay mga sundalong gurkha na nasa otoridad ng Britania. Ang mga sundalong gurkha ay mga galing sa bayan ng Nepal subalit naninilbihan sa militar na Ingles ng Britania.
Nagpatayo ang mga bihag na Hapon ng tolda magmula sa mga suplay na ibinigay ng militar ng Britania at nagtipun-tipon silang malaking lupon. Kinukulang ang naibibigay sa kanilang pagkain.Naitakda ang sukat ng kanilang kakainin at malimit na tuyong mga gulay ang naibibigay sa kanila. At gaya ng inaasahan hindi sila nabibigyan ng tabako o sigarilyo. Namumulot noon ang mga bihag na Hapon ng upos ng sigarilyo kapag sila’y naipapadala sa siyudad upang magtrabaho. Ito ang kanilang sinisipsip at ginagawang tabako.
Isang araw, nagulat ang mga Hapon noong mayroong naipamahagi sa kanilang sake na nasa maliit na lata na iniinuman.Nagpasapasahan nila noon ang lata. Bawat isa ay lumunok ng isang lunok para makikibahagi silang lahat sa naroong inumin sa maliit na lata. Marami sa kanila ang napaluha kahit man lamang sa amoy na pamilyar na iyon na nakapagpaala-ala sa kanila ng pananabik sa kanilang sariling lupa.
Listen to the podcast/audio for the full story.
By Norma HennessyNoong nagtapos ang Pangalawang Digmaang Pangsandaigdigan, naipadala ang mga nahuling mga bilanggong Hapones na sundalo sa mga kampo na hawak ng mga puwersang Alyansa sa nasyon na Burma. Ang bayang ito ay kilala ngayon sa pangalang Myanmar.