Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Alexander Graham Bell Ama ng Telepono 1(3) Tagalog


Listen Later

Biographical historical account about inventor Alexander Graham Bell. The 3-part narrative is in Tagalog (Philippines). This section is the first and is the introductory section of the story.

EXCERPT:

"Kinikila ng mundo si Alexander Graham Bell na dakilang imbentor at naipangalan sa kanya ang taguring “AMA o PINAKA-AMA NG TELEPONO”. Ang kakatwa, ay hindi ito ang pangunahing nakatuonan ng kanyang daang tinatahak noon. Mas mahalaga sa kanya noon ang kanyang ginagampanang tungkulin bilang magtuturo sa mga bingi o walang pandinig.

Sumibol sa kanyang kaisipan noon ang konsepto na ‘electronic speech’ o pagsasalita sa pamamagitan ng paggamit ng elektrisidad/elektroniko dahil ang kanyang ina ay hindi nakakarinig. Nagsusumikap siya noong makapagtagumpay na gumawa ng sistema ng pagtuturo sa mga taong hindi nakakarinig o bingi upang sa kabila ng kawalan nila ng pandinig ay makakapagsalita sila at sa gayun ay makakayanan nilang mabuhay ng sarili at makapag-tagumpay na gaya ng karaniwang tao.

Gaya ng kanyang sinabi minsan noon kay HELEN KELLER, sinabi niya na ang paniniwala niya sa buhay ng isang tao ay kapalarang naitakda. Sa kanyang daigdig noon, marahil ay kakatwa, na ang kanyang buhay ay nahabi sa mga pangyayari na patuloy noon na may kaugnayan sa huni o tunog.

At kung marangal na imbentor si Alexander, dakilang tao ito sa kanyang pagnanais na mai-angat ang dangal ng mga taong napagkaitan ng mga pisikal na suwerte.

Ang pangalang Alexander Graham Bell ay lagi-laging nai-uugnay sa kasaysayan ng telepono.

Mabagal ang pagtakbo ng komunikasyon noong unang panahon. Umaasa lamang ang mga tao noon na magpadala ng kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng mga biyahero o mga taong manlalakbay na napupunta sa iba-ibang mga lugar. Linggo, buwan at minsan pa ay taon ang binibilang ng mga tao para maiparating ang kanilang mga mensahe sa mga nakatakdang pagdadalhan. Kung malayo ang distansiya, karaniwan na mas matagal na makarating ang komunikasyon. Noong naimbento ang telegrapo, at naipalabas ang pagka-kagamit nito sa sosyedad, malaki ang naitulong nito sa pag-sulong at pag-unlad ng disenyo ng komunikasyon. Humantong ito sa pagkakalikha ng telepono na lalong nagpadagdag sa pag-sulong ng pagbabago ng mundo."

PLEASE LISTEN TO PODCAST TO CONTINUE AND FOR THE FULL EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy