Sign up to save your podcasts
Or

Historical biographical account about Norwegian scientist-explorer Fridjtof Nansen and his heroic and daring crossing of Greenland's ice cap. Second of 4 episodes in Tagalog version.
EXCERPT:
"...Sa nakaraan, masigasig na naghanda si Fridtjof para sa kanyang matapang na hangaring magsagawa ng ekspedisyon na ito. Dahil wala pa noong nakakagawa nito, marami ang mga datus na kanyang pinag-aralan at pinag-isipan at ginawang gabay sa kanyang pagplano para sa paglalakbay na kanyang isasagawa. Sa preparasyon pa lamang, may mga hamon na. Subalit buong-buo ang loob nito at walang anong bagay, kadahilanan o sino pa mang nilalang ang makakasuway sa kanya sa kanyang hangarin. Noong makatagpo ni Fridtjof ang kanyang mga makakasama sa ekspedisyon na ito, nagulat siya sa dalawang naipadala na makakasama niya dahil wala sa mga ito ang kanyang hiniling at inasahang kaukulang katangian. Gayunpaman….
Malakas din naman ang tiwala ni Nansen sa sarili niyang pisikal na kakayahan upang maisagawa ang mga kakailanganing gawain na nangangailangan ng lakas at tibay ng katawan. Palibhasa, siya’y sanay na sanay nang mangsubok sa tibay at tatag ng kanyang katawan, kaisipan at kalooban. Marami na siya noong naranasan at nalagpasang mga pagsubok sa mga kagubatan sa paligid ng kanilang pook na tirahan. Malakas ang loob at matapang ito kahit siya ay nag-iisa. Mahiligin siya sa isport na CROSS COUNTRY SKIING kahit siya nagso-solong naglalakbay. (Itong klase ng Isport na ito ay pagpapadulas sa niebe na may gamit na dalawang mahaba at makitid na padulas sa magkabilaang paa at may gamit na baston na pangtulak upang makalarga at maglakbay ng malayo.)
Malayo-ang paglakbay sa ibabaw ng niebe at hielo sa isport na ito. Subalit malakas ang loob ni Nansen at malimit siyang nag-iisang nagpupuntang magkampo sa malalayong lugar. Magtayo ito ng kanyang kampo sa kagubatan at malimit na ang kanyang mahuli o mapamaril na hayup o isda lamang ang kanyang pagkain. Noong binatilyo siya, nagkampeon ito ng labing-dalawang beses sa isport na malayo-ang paglakbay sa padulas (cross country skiing). Noong siya’y nagkaedad ng LABING WALO (18), siya ang may hawak ng tala ng pinakamabilis na atleta sa isport na ‘skating’ sa sandaigdigan. Ang distansiyang tinahak noon sa kompetensiyang ito ay isang milya. Ang ‘skating’ naman ay maiba sa ‘skiing’. Sa skating, ang pagdadaanan ay matitigas na patag na hielo at ang gagamitin sa magkabilaang paa ay kasuotang sapatos na may talim sa ilalim upang ito ay makapag-dausdos sa matigas na hielo.
Nagplano ng masinsinan si nansen sa kanyang ekspedisyon. Inisa-isa niyang pinag-isipan ultimo ang mga pinakamaliliit na bagay para sa kanilang mga gagamitin at pangangailangan- magmula sa kasuotan, kagamitan sa pagpapadulas at paglayag, lutuan, tutulugan, tolda at pagkain. Maliban sa daing at napatuyong karne sa taba na tinatawag na PIMMICAN, nagdala din siya ng napatigas na tinapay, biskwit, asukal, napatuyong mga gisantes at lentil na mapakuluan at magamit na sopas, tsaa at kape. Nagkonsulta siya kay Nordenskjold at sa isa pang beteranong manlalakbay na mananaliksik na si GUSTAV HOLM tungkol sa mga kagamitan at suplay ng ekspedisyon..."
PLEASE LISTEN TO PODCAST FOR THE FULL AND COMPLETE EPISODE.
By Norma HennessyHistorical biographical account about Norwegian scientist-explorer Fridjtof Nansen and his heroic and daring crossing of Greenland's ice cap. Second of 4 episodes in Tagalog version.