Sign up to save your podcasts
Or

Inspirational biographical account about Saint (Abbot) Anthony of Egypt in Tagalog.
EXCERPT:
"...Kristiyanong ermitanyo noong unang panahon si San Antonio Abad. Siya ang tinatawag na “Ama ng Lahat ng mga Monghe”. Kilala din siya sa mga pangalang: “San Antonio ng Ehipto.”
Siya ang santong pinagdadasalan ng mga may sakit na mga kakaiba at mga sakit na nakakahawa. Kabilang sa mga ito ang sakit na ergotism, erysipelas at shingles. Ang simtoma ng sakit na ergotism ay kombulsiyon. Nakukuha itong sakit na ito kapag nakakain ka ng buto na may molde o amag na tinatawag na ‘ergot’. Kung minsan itong mga buto-buto na tinutuboan ng amag na ergot ay siyang nagigiling na ginagawang harina o nababayo para gawing tinapay gaya ng rye, trigo (wheat), barley, sorghum at iba pang butil.
Ang ‘ersipelas’ ay isang mabigat na impeksiyon na dulot ng bakterya. Pulang bukol sa balat sa iba-ibang bahagi ng katawan naman ang simtoma ng sakit na shingles na ang sanhi ay virus at ito ay nakakahawa.
Naging disipulo ni San Pablo ng Thebes si San Antonio. Si San Pablo ng Thebes ay asetiko na ermitanyo na siyang nagpasimula ng sagradong pamumuhay bilang disipulo ni Kristo.
Ginawa niyang mabuhay ng maralita at naging solitaryo ito sa disyerto. At gaya ni San Pablo, pinili ni San Antonio ang pumunta sa disyerto at namuhay na nag-iisa at bilang asetiko. Sa pamumuhay niyang asetiko, pinagkaitan niya ang kanyang sariling katawan ng anumang kaginha-waan at pagsa-sakripisyo ang kanyang inako. Naging dakilang santo si Antonio Abad o Abba Antonio. Sa kanya napasimula na ang mga pag-uugali at gawaing sagrado ay naging wagas ng pag-aalsa upang dito mag-uugat ang pagbabago ng paniniwala ng mga tao at sosyedad.
Naipanganak si Antonio sa hindi masigurong petsa sa panahon na pagitan ng taong DOS SIYENTOS LIMAMPU’T DALAWA (252) at DOS SIYENTOS LIMAMPU’T APAT (254) AD sa isang mayaman na pamilya sa lugar na Koma na malapit sa Al-Minya, Heptanomis. Itong bansang ito ay siya na ngayon ang pagkaka-alam natin na Ehipto.
Noong siya’y nagkaedad ng mga LABING WALO hanggang DALAWAMPU, namatay ang kanyang mga magulang at naiwan sa
kanya ang pagkalinga sa kanyang kapatid na babai. Sa pagkamatay ng mga ito, ipinamigay ni Antonio ang mga lupaing pag-aari ng kanilang pamilya sa kanilang mga kapit-bahay. Ibi-nenta niya ang mga naiwan nilang mga kayamanan at ibinigay niya ang kanyang binagbentahan sa mga taong mahihirap at walang kaka-yanan sa buhay.
Dinala niya ang kanyang kapatid na babai sa lupon ng mga konsekrado na mga birhen na Kristiyano. Ipinagpasya niya na sundin niya ang mga salita ni Hesus gaya ng nasa kasulatan: “Kung naisin mong maging walang bahid, humayo ka at ipagbili mo ang anumang nasa iyo at ibigay mo sa mga walang-wala; at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit; at sundan mo ako.”"...
LISTEN TO THE PODCAST FOR THE COMPLETE/FULL NARRATIVE
By Norma HennessyInspirational biographical account about Saint (Abbot) Anthony of Egypt in Tagalog.