Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si San Antonio de Padua - Tagalog Part 1


Listen Later

Inspirational biographical narrative about St. Anthony of Padua in TAGALOG. This is first of two parts.

EXCERPT:

"...Naipanganak si San Antonio na FERNANDO MARTINS DE BULHOES sa bansang Portugal noong ika a-KINSE NG AGOSTO, MIL UNO SIYENTO SIYAM NA PU’T LIMA (1195). Galing ito sa isang mayamang pamilya at kamag-anakan. Ang kanyang mga magulang na sina VICENTE MARTINS at TERESA PAIS TAVEIRA ay mga tinitingala at iginagalang na miyembro ng siyudad na Lisbon, na siya ring lugar ng kapanganakan ni Fernando. Hindi niya kinailangang magtrabaho upang mabuhay ng matiwasay at marangya. Subalit pinili ni Fernando a naging pari at ang namuhay na isang mahirap.

Noong DOS MIL SIYENTOS SAMPU (1210), nagkaedad noon si Fernando ng labing lima at nag-lakbay itong pumunta sa siyudad ng Portugal na nagngangalang Coimbra. Pumunta siya dito upang siya ay mag-aral ng pagka-pari sa komunidad ni San Agustin na ‘Canonici Regulares Ordinis Sanctae Crucis’. Karaniwang napapalayawan ang sekta ng Katolika Romano ito ng ngalang CROSIERS.

Binuo ito ng mga pari at mga hermanos na nagko-kongregasyon at nag-papatupad ng mga pangaral at alituntunin ni San Agustin. Tumira noon si San Agustin sa Abadia ni San Vicente sa labas ng siyudad ng Lisbon.

Itong komunidad o sosyedad ng mga CROSIERS ay ipinatayo at itinatag ng limang krusado na pinamunoan ni THEODORUS DE CELLIS na nabuhay noong MIL UNO SIYENTO ANIM NA PU’T ANIM hanggang MIL DOS SIYENTOS TATLUMPO’T ANIM (1166 – 1236).

Noong taon MIL UNO SIYENTO SIYAM NA PU’T ISA (1191), iyon noon ang taon na naggaling sina THEODORUS DE CELLIS na sumama kay Emperor Frederick Barbarossa sa ikatlong krusada sa Herusalem. Itong krusada ay pangatlong pagtangka ng lupon nina Haring Felipe na Pangalawa ng Pransiya, si Ricardo na Una (Richard 1) ng Inglatera at Frederick na Una na siyang emperor ng Romano katoliko upang bawiin nila ang Herusalem mula sa kamay ng mga Muslim. Ang dahilan nito ay – noong MIL UNO SIYENTO WALUMPO’T PITO (1187), binihag at inoku-pahan ni AYYUBID SULTAN SALADIN ang Herusalem. Sa pagbabalik noon nina Theodorus de Cellis, pinili nila ang nagpanibago ng kanilang mga buhay at sumunod sila sa buhay na banal.

Dalawang taon ang dumaan at nanirahan si Fernando sa komunidad na iyon ng mga Crosiers. Noong MIL DOS SIYENTOS LABINDALAWA (1212), hiniling ni Fernando na mailipat siya sa pangunahing bahagi ng kongregasyon – ito ay sa Monasterio ng Banal na Krus sa siyudad ng Coimbra. Ito ay dahil sa gusto niya noong iwasan ang lagi-laging pagbibisita sa kanya ng kanyang pamilya, mga kaanak at mga kaibigan ng kanyang pamilya at mga kamag-anak."

CONTINUE ON. Listen to PODCAST for the full part 1 episode.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy