Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Si Stephen Hawking - Dakilang Pisiko 1 (2) Tagalog


Listen Later

Inspirational biographical narrative about physicist Stephen Hawking in Tagalog (Philippine language). First of 2 parts.

EXCERPT:

“May panahon na marami sa atin ang titingala sa kalangitan at tayo’y malilipunos sa pagkamangha na mag-isip kung saan galing ang mga bagay bagay na ating masisilayan sa malayong bahagi ng kalawakan. Gaya ng mga nagkikislapang mga bituin. Libu-libo at daan-daan nang mga taon na pinag-isipan ng mga taong may matataas na karunungan ang mga nakaraang mga panahon kung ano ang sagot ng misteryo na ito. Subalit nitong nakaraang siglo lamang umusbong ang teyoriya na nagpapaintindi ng pinagsimulan ng uniberso.” Ang bagay na ito ang siyang malaking pinagpapasalamatan ng katauhan kay Stepehn Hawking.

SINO NGA BA SI STEPHEN HAWKING?

Kinikilala si Stephen Hawking na siya ang pinakatanyag at pinakadakilang henyo nitong henerasyon sa panahon na nagsimula ang pangalawang milenya. Siya ay simbolo ng pagkamarangal ng tao. Ito ay dahil sa kakaibang hamon na hinarap ng kanyang buhay. Dahil sa halaga ng kanyang kaisipan tungkol sa mga mahahalagang bagay sa siyensa na kinakailangan para sa pag- unlad ng buhay at kaisipan ng buong sangkatauhan, ipinagpunyagi siyang buhayin sa kabila ng mga napakarami at napakalaking mga sagabal. Ang kanyang kontribusyon sa siyensa ay siyang nagpabago sa pag-iintindi ng modernong tao tungkol sa uniberso (universe).

Kinikilala si Stephen Hawking bilang pinakabantog at pinakadakilang henyo nitong panahon na umpisa ng pangalawang milenya. Simbolo siya ng pagkadakila ng taong nilalang. Ito ay dahil sa kakaibang hamon na isinubok sa kanya ngn buhay. At dahil sa kahalagahan ng kanyang kaisipan tungkol sa mga bagay sa siyensa na kailangan sa pag-unlad ng kaisipan at buhay ng sangkatauhan, sinikap ng mga tao na magawan ng paraan para mapatagal ang kanyang pagkabuhay. Ang kanyang mga kontribusyon sa siyensa ay siyang nagpa-bago sa pag-intindi ng modernong tao ukol sa uniberso (universe). *Subalit ang pinakadakila sa lahat ng kanyang mga tuklas ay itong tinatawag na “Hawking Radiation” dahil ito’y isa sa mga tuklas na may pangunahing kahalagahan sa siyensang Pisika nito ika- Dalawampu hanggang Dalawampu’t Isang siglo (2000-2100).

*Ang tuklas na ito ang siyang magpaliwanag sa pagkakaroon ng tinatawag na “black hole” (Itim na Puyong Buslot) o Itim na Buslot sa labas ng kalawakan. Ang HAWKING RADIATION ay radyasyon o emisyon ng enerhiya na maihalintulad sa alon ng nagsamang magneto at elektrisidad. Ito ay walang katapusang-gumagalaw na partikulo ng atomo na likhang palabas ng black hole. Epekto ito ng QUANTUM sa malapit sa bukana ng black hole na punto na tinatawag na ‘event horison’; o punto na kung saan, ang bilis ng pag-alpas ay mas mabilis kaysa bilis ng liwanag. Sumusulpot ito mula sa walang katapusang pagbabago ng “quantum” na espasyo sa bakyum o kawalan at ito’y nagiging dalawang partikulo. Isa sa mga partikulong ito ay walang

-katapusang umaalpas habang ang isang partikulo ay nakakulong sa kaunggan ng black hole.

PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy