Tatayhood

#181 - Autism, Utang at Pag-asa


Listen Later

Kung ang anak mo ay may special needs, at sinabihan kang mag-therapy siya para mas maayos ang buhay niya—gagawin mo ba ang lahat? Kahit maubos ka?"

Sa episode na ito, binasa namin ang isang napakabigat na sulat mula sa isang nanay na hinarap ang tanong na ito. Dahil sa wagas na pagmamahal sa kanyang 6-year-old na anak na may Autism Spectrum Disorder (ASD), pumasok siya sa kumunoy ng mga Online Lending Apps (OLA) para lang matustusan ang therapy. Ngayong nalulunod na siya sa utang at burnout, paano nga ba haharapin ng isang pamilya ang ganitong klaseng laban?

Pag-uusapan natin ang mental health toll sa mga magulang, ang pressure sa mag-asawa, at ang mga praktikal, research-based na hakbang at libreng komunidad (tulad ng DSWD, PhilHealth, at Autism Society Philippines) na pwedeng lapitan para hindi ka mag-isang lumalaban.

Kasama mo kami sa Tatayhood. Hindi ka nabigo.


Mga resources na pwede makatulong kung may pinagdadaanan kang ganito:

Autism Society Philippines

autismsocietyphilippines.org

PWD ID

I-apply sa MSWD ng LGU — libre, at may 20% discount benefits

PhilHealth Z-Benefit Package

Para sa ASD — tanungin ang PhilHealth branch

SEC Complaint vs. OLA

sec.gov.ph — para sa harassment at illegal collection

DSWD Assistance

Mag-visit ng pinakamalapit na DSWD office

NCMH

May outpatient at therapy services — government rates

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

TatayhoodBy Tatayhood and TAGM Marketing Solutions Inc.