The Gamesilog Show

#284 | Pragmata Spoilercast Feat. Sky and Dhrey


Listen Later

Ano ba ‘yung mga reasons kung bakit tayo nagkakaroon ng pake sa mga fictional characters? Appearance? Sex? Gender? Age? Personality? Relatability? Backstory? At mga iba pang dahilan na hindi ko nabanggit?

E paano kung fictional character na nga, hindi pa totoong tao?

Naalala ko ‘yung isa sa mga talking point sa Clair Obscur. Na nawalan na ng bigat ‘yung story at mga characters dahil sa reveal ng ending sa Act 2.

Nasa kabilang camp ako kasi for me kahit fictional characters lang, lalo pa kung fictional character na nga sa video game tapos android pa, walang kaso e. Kasi kahit fake, clone, AI, o kathang isip lang sila, ‘yung lungkot, saya, at halo-halong emosyon na naibigay nila, lahat ‘yun naramdaman ko at lahat ‘yon totoo.

Ang haba ng pasakalye. Gusto ko lang naman talagang sabihin na tanginang ‘yan umiyak ako sa isang fictional character na android. Urat.

Kaya sa episode na ‘to, niyaya ko si Sky na maguumpisa pa lang ng sarili niyang pamilya with Gio at si Dhrey na may pamilya at anak na. Tapos ako ‘yung panabla at alam kong gets niyo na. Sobrang lala.

Dahil magkakaiba kami ng status sa buhay, curious akong malaman kung paano nag resonate sa kanila ‘yung story at characters.

Syempre hinimay din namin ‘yung gameplay, combat, effectivity ng hub worlds, pacing, ending, at additional ending.

Sana ma-enjoy niyo kasi sobrang nag-enjoy ako sa episode na ‘to. :)

***

You can follow PlayStation Pilipinas at:

FB: https://www.facebook.com/groups/playstationpilipinas1/

***

You can follow The Gamesilog Show at:

FB: https://www.facebook.com/thegamesilogshow

IG: @thegamesilogshow

YT: https://www.youtube.com/c/TheGamesilogShow

Tiktok: @jhazterinetayag

Discord: https://discord.gg/6yZNc5ScxN

If you want to support The Gamesilog Show, head over to

https://www.patreon.com/TheGamesilogShow

***

Tsubasa (Wings) - Composed and arranged by Owammy

FB: https://www.facebook.com/augowammy

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

The Gamesilog ShowBy Jhazterine Tayag

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

2 ratings