Sign up to save your podcasts
Or
Bukod sa mga nakamamanghang Isla, kilala rin ang Pilipinas sa pagiging mabuting pakikitungo ng mga tao at matibay na ugnayan ng pamilya. Ang mga pagpapahalagang ito ay naka ugat sa pananampalatayang Kristiyano ng bansa. Sa halos 90 percent ng populasyon, ay Roman Catholics. Humantong ito sa pagbuo ng matatag na komunidad at isang kultura, ng pagmamalasakit at paggalang sa isa't isa. Bihirang makakita ng sambahayan na walang lolo't lola, o kapamilya. Inaasahan ng mga magulang na aalagaan sila ng kanilang mga anak hanggang sa pagtanda, lalo na ang mga anak na babae. Subalit ano ang mangyayari kung ang kultural na katangiang ito, ay itinulak sa sukdulan? Paano kung ayaw ng isang magulang na umalis ng bahay ang kanilang anak?
Ngayon, pag-uusapan natin ang tungkol sa patayang naganap sa pamilya Cabading. Ang isa sa mga pinakamasamang krimen sa totoong buhay, na ikinagulat ng bansa noong 1960s.
Ang sikolohikal at panlipunang kaugnayan ng kasong ito, ay hindi nabawasan pagkatapos ng anim na dekada. Ito ay isang madilim na kuwento ng tunay na pag-ibig, dalamhati, at selos. Ito ang kwento ng Cabading family murders: o mas kilala bilang The house on Zapote Street Case.
Noong gabi ng January 18, 1961, apat na putok ang narinig sa 1074 Zapote Street Makati. Ang bahay ay pag-aari ng pamilyang Cabading. Pagpasok sa silid kung saan nanggaling ang mga putok, narinig ng mga pulis ang isang nagdadalamhating boses, sumisigaw na itulak ang pinto. Binuksan ng mga pulis ang mga ilaw, at nakita nilang puno ng dugo ang buong silid. Ang katawan ni Mrs Asuncion Cabading, ay tila nakaharang sa pinto. Sa nakikita nila, binaril siya sa dibdib at tiyan, ngunit humihinga pa rin. Batay sa kwento ng Manila Chronicles, na kinagulat ng buong bansa, nagtamo siya ng walong sugat, at nasa bingit ng kamatayan sa puntong ito. Nasa unahan lang siya ng kanyang anak na si Lydia Cabading, na nakahiga naman sa ibabaw ng bangkay ng asawa nitong si Dr Leonardo Quitangon. Napag alaman na si Pablo Cabading, ang patriarch ng pamilya, ang may pananagutan sa kanilang pagkamatay. Natagpuan din siyang wala ng buhay, sa madugong eksenang ito. Lumilitaw, na nagpakamatay din siya ilang sandali matapos ang pamamaril.
Isasalaysay ni Mrs Cabading ang pangyayari. Binaril ni Pablo Cabading ang anak nilang si Lydia, habang hinaharangan nito ang pagbaril niya sa asawa nitong si Dr Leonardo Quitangon. Binaril naman ni Pablo si Mrs Cabading, nang subukan nitong protektahan ang kanilang anak na si Lydia. Ano kaya ang maaaring naging dahilan upang maganap ang gayong trahedya? Ano ang nagtulak sa isang ama, na paslangin ang sarili niyang pamilya?