Three Angels Hymn & Praise

Ang Dios Mismo ang Nagbayad


Listen Later

I'm back to translating songs. This one is a Tagalog adaptation of God Paid the Cost Himself in Christ, simply titled Ang Diyos Mismo ang Nagbayad.

The outro of this song has always been a challenge and it is even more challenging when singing in Tagalog. Enjoy the message of the song.

#zeresvitto #tagaloghymns #angDiosmismoangnagbayad #GodpaidthecostHimselfinChrist #Jesussaves #everyone

Ang Dios Mismo ang Nagbayad

Tagalog adaptation of

God Paid the Cost Himself in Christ

Original and Tagalog by Zeres Vitto

Talata 1 – Genesis

Sa Eden nang tao’y nagkasala,

Ipinangako ng Panginoon,

Ang Binhing darating ang magbabayad,

Ang tao ay di pababayaan.

Sa bundok ng Moriah, ama’y umakyat,

Pasan ang kahoy ng bugtong na anak,

Tinaas ang sundang, puso’y sinubok,

Ngunit narinig, “Hindi pa tapos.”

Pre-Chorus

Ang tupang nasabit sa dawag,

Ay ipinalit, habag ay nahayag,

Lumukob sa mundo ang pag-ibig

Na tumutupad sa kautusan.

Chorus

Ang Diyos mismo ang nagbayad,

Isinugo ang Anak, Kordero’y inalay.

Ang hinihingi ng katarungan,

Pag-ibig ang nagbigay.

Mula dambana hanggang Kalbaryo,

Sa bawat sumpa, sa bawat sugat,

Ganap ang kabayaran magpakailanman,

Masdan si Kristo … Kordero ng Diyos!

Talata 2 – Ang Krus

Walang anghel ang sumansala,

Nang si Kristo’y pinako’t sinumpa,

Nagdilim ang langit, lupa’y nayanig,

Nang ikinubli ng Diyos ang mukha Niya.

Tinupok ng apoy, naubos ang poot,

Hindi sa tao—kundi sa Anak,

Sigaw ay tunay, napunit ang tabing,

Ganap ang kabayaran magpakailanman.

Pre-Chorus

Ang kautusan ay tinupad,

Ang krus naging luklukan ng awa,

Katotohana't biyaya’y nagtagpo,

At hindi binilang ang utang.

Chorus

Ang Diyos mismo ang nagbayad,

Isinugo ang Anak, Kordero’y inalay.

Ang hinihingi ng katarungan,

Pag-ibig ang nagbigay.

Mula dambana hanggang Kalbaryo,

Sa bawat sumpa, sa bawat sugat,

Ganap ang kabayaran magpakailanman,

Masdan si Kristo … Kordero ng Diyos!

Talata 3 – Muling Pagkabuhay

Taglay ang sugat sa pagbangon Niya,

Di inalis kundi niluwalhati,

Sa harap ng trono magpakailanman,

Siya ang buhay na patunay.

Dumanak na kamay, namamagitan,

Paa’y pinako, lumalakad sa langit,

Sugatang Kordero na maringal,

Taglay ang kabayaran magpakailanman.

Bridge – Pahayag

Sa itaas ng trono’y may bahaghari,

Tipang tinatakan ng sugatang kamay,

Awa’y naalaala, hatol na lumipas,

Tipan ng pag-ibig, di natitinag.

Ang mga tinubos ay tatayo,

Ganap na patunay sa dugo ni Jesus,

Bawat mukha’t awit ay magsasabi:

Bayad ay ganap… at tayo’y naroon.

Final Chorus

Ang Diyos mismo ang nagbayad,

Walang kamatayan ngunit may pilat,

Walang hanggang patunay ng pag-ibig,

Kordero’y taglay ang Kanyang ginawa.

Mula Genesis hanggang walang hanggan,

Mula sa pangako hanggang katuparan,

Langit aawit, panahon sasagot:

Kabayaran ay nahayag—pag-ibig ng Diyos.

Outro – Walang Hanggan

Wala nang kamatayan o luha,

Ngunit mananatili ang mga pilat Niya,

Hindi sugat kundi tanda ng tagumpay,

Ng pag-ibig na nagwagi sa dilim.

Panahon ay lilipas, ngunit mananatili:

Ang trono, Kordero, at bahaghari.

Di malilimot ng Diyos ang kabayaran.

Ang Diyos mismo ang nagbayad,

Pag-ibig Niya ay ating mamamasdan.

Amen

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Three Angels Hymn & PraiseBy Zeres Vitto