Studies on the Heidelberg Catechism [online Bible studies]

Ang Ikasampung Utos: Heidelberg Catechism Lord's Day 44


Listen Later

Tanong 113. Ano ang hinihingi ng ika-sampung utos sa atin? Na ang kaliit-liitan mang kaisipan o pagnanasa na salungat sa anumang kautusan ng Diyos ay hindi dapat umusbong sa ating puso. Sa halip, dapat lagi nating kamuhian ang lahat ng kasalanan ng buong puso, at malugod tayo sa lahat ng katuwiran.

Tanong 114. Ngunit kaya ba ng mga nagbalik-loob sa Diyos na isakatuparan nang ganap ang mga utos na ito? Hindi. Sa buhay na ito, maging ang pinakabanal ay mayroon lamang bahagyang panimula ng pagsunod na ito. Gayunpaman, may taimtim na layuning sinisimulan nilang mamuhay hindi lamang ayon sa ilan kundi ayon sa lahat ng utos ng Diyos.

Tanong 115. Kung sa buhay na ito ay walang sinumang ganap na makatutupad sa sampung utos, bakit ninanais pa ng Diyos na ipangaral ito nang napakahigpit? Una, upang buong buhay natin ay lubos-lubusan nating mamalayan ang ating makasalanang kalikasan, at dahil dito ay mas may panananabik tayong hanapin ang kapatawaran ng kasalanan at katuwiran kay Cristo. Pangalawa, upang tayo ay mas maging masigasig sa mabubuting gawa at patuloy na manalangin para sa biyaya ng Banal na Espiritu, na tuloy-tuloy Niya tayong baguhin sang-ayon sa wangis ng Diyos hanggang sa katapusan ng buhay na ito ay matamo natin ang nilalayong kaganapan.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Studies on the Heidelberg Catechism [online Bible studies]By Treasuring Christ PH