Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes

ANG ISA SA PINAKA-BRUT@L NA KASO NG JAPAN | THE DOG LOVERS MURD*R CASE


Listen Later

Kumusta? Ang kaso ngayon ay mula sa Japan. Na nangyari sa lungsod ng Kumagaya sa Saitama prefecture noong 1993. Ito ay tungkol sa mga nawawala't pinaslang na mga pet lovers, na mga customer ng isang pet shop. Pero dahil sa walang mga katawan, at kakulangan ng ebedensiya, inuri ang kaso bilang hindi parin nareresolba. Hanggang sa may isang katulad ng kasong ito, ang nangyari sa Osaka.

April 21, 1993, sa Kumagaya prefecture ng Japan. Isang 39 years old na lalaking si Kawasaki Akio, ang hindi na nakauwi. Na siyang nag-udyok naman sa kanyang pamilyang iulat siyang nawawala. Nalaman nilang bago nawala si Kawasaki nagpunta ito sa isang pet shop na pinangalanang Africa Kennel, sa lungsod ng Kumagaya sa Saitama prefecture. Ang shop ay pagmamay-ari ng mag-asawang sina Sekine Gen at Kazama Hiroko. Nawala si Kawasaki, matapos nitong komprontahin ang mag-asawa, tungkol sa pangloloko ng mga ito sa kanya. Pinagbentahan siya ng mag asawa ng isang napakamahal, na matanda't ordinaryong aso lang pala. Na ayon sa mag asawa, ay isang rear breed ng Rhodesian Ridgeback. Natagpuan ang sasakyan ni Kawasaki sa isang istasyon, pero hindi siya mahagilap kahit saan. Kaya't ano talaga ang nangyari kay Kawasaki? Ng pinuntahan ng mga pulis ang nasabing shop, nalaman din nilang, may dalawang myembro ng Yakuza, at isa pang babae ang nawawala, na may kaugnayan din sa mag asawa. Kaya lang, hindi pa rin nila maipagpatuloy ang imbestigasyon, dahil sa kakulangan ng ebedensiya.


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog CrimesBy Crime Scene Tagalog Stories