Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes

ANG KASO NG HAPONESANG INTERN SA ROMANIA..| NAGTIWALA SA MALING TAO..


Listen Later

Si Yurika Masuno ay isang kolehiyalang mag-aaral, sa isang Sacred Heart University sa Tokyo, ang kabisera ng Japan. 20 years old siya, ng maganap ang insedente, at anak ni Hiroyuki Masuno. Isang programmer at kompositor. Sikat sa buong mundo, dahil naging isa sa mga pangunahing responsable, sa pagawa ng Nintendo console. Nagsimulang magtrabaho si Hiroyuki sa industriya ng video game, noong 1985. Nagtatrabaho siya sa isang sikat na Japanese company, na KEMCO. Kung saan siya nagsulat at gumawa ng mga sound effect at musika, para sa lahat ng mga larong kanyang binuo. Sa paglipas ng panahon, lubos na pinahahalagahan ang kanyang trabaho. Sa puntong huniling na sa kanyang gumawa ng mga soundtrack, para sa mga produkto ng pop culture sa pangkalahatan sa bansa. Naipanganak si Yurika, sa parehong oras na naabot ni Hiroyuki ang tuktok ng kanyang karera. Ang pagiging isang hinirang na CEO, ng isang malaking kumpanya ng information technology.
Sa kabila ng lahat ng tagumpay ng kanyang ama, si Yurika, di tulad ng ibang mga kabataan na, karaniwang sumusunod sa mga yapak ng pamilya, ay may sariling landas na nais na tahakin. Pangarap ng dalagang, maging flight attendant. Mahilig siyang maglakbay, at talagang gustong maranasan, ang mga bagong lugar at kultura. Nakapunta na ang dalaga, sa sikat na lungsod ng Vienna Austria. Kung saan siya nagpalipas ng ilang araw, hinahangaan ang ganda lugar. At sinabing ang paglalakbay na'yun ang nakatulong sa kanya, para malabanan ang kanyang anxiety. Bilang sophomore sa kolehiyo, nagpasya si Yurika na maging miyembro ng AIESCC. Isang non-profit na organisasyon ng mag-aaral na pinamumunuan ng mga mag-aaral, na nakabase sa Netherlands. Mayroon itong mga sangay sa buong 126 na bansa, kabilang ang Japan. Sa larangang to, ang organisasyon ay kinikilala, bilang ang siyang pinakamalaki sa mundo. Na may regional exchange network, sa pagitan ng mga bansa. Sa isang internship sa NPO, ng Japanese branch ng organisayon, nagawang makapasok ni Yurika, sa Exchange program nito. At nakakuha ng pagkakataong makapunta ng Romania, bilang intern. At makapagturo ng wikang hapon, sa Language Teaching Program ng naturang bansa. Sa exchange program na'to, maari ring gumanap si Yurika, bilang tagapamagitan sa pagitan ng mga Hapones at sangay ng Romania, habang magtuturo ng Japanese language sa Romanian school.
May kasama dapat na participant si Yurika, kaya lang, umatras sa program yung dapat na kasama niya. Kaya mag isang naipadala si Yurika sa Romania.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog CrimesBy Crime Scene Tagalog Stories