Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes

ANG MALUPIT NA SINAPIT NG MAG-IINA SA KAMAY NG SARILI NITONG DOKTOR NA ASAWA..


Listen Later

Ang pag-aasawa at pagpapamilya, ay isang malaking responsibilidad. At bilang mga magulang at magkapareha, kailangang parehong gampanan ng mga mag-asawa ang mga tungkulin. At maging mabuting ihimplo, para sa kanilang mga anak. Gayunpaman, kabaliktaran naman ito ng subrang makasarili, at walang kabuluhang mga aksyon, ng taong tatalakayin natin ngayon. Isang taong kayang gawin ang kahit na ano, makuha lang ang kanyang gusto.


Kumusta, ngayon ay titingnan natin ang kwento, ng isang taong ikinubli ang kasamaan sa likod ng mapanglinlang nitong kabutihan. Si Dr. Iwao Nomoto.


November 3, 1994, sa Japanese Port City ng Yokohama, 20 milya sa timog ng Tokyo, isang misteryosong puting plastic bag, ang natuklasang lumulutang sa daungan. Isa itong malaking plastic bag, na animo'y may napakabigat na laman. Parang kahawig nito ang isang sako ng bigas. Tinalian ang ito ng malaking bato, para hindi sana lumutang.


Agad na iniulat ng nakakitang resedente, ang naturang plastic bag. At agad din namang dumating ang mga coastal guards. Ng tingnan at buksan, nagulat sila, ng makita ang labi ng isang babae sa loob. At mas kakila-kilabut pa ang matutuklasan ng mga pulis, sa mga darating pang araw, sa mapayapang daungan na'tu.


Sa sumunod na walong araw, natagpuan ng mga diver ang dalawa pang plastic bag sa parehong daungan. Sa loob ng mga plastic bag, dalawang labi naman ng maliliit na bata, ang kanilang natagpuan. Na pinaniniwalaang parehong wala pang dalawang taong gulang. Tatlong mga labi ang natagpuang nakasilid sa magkaparehong plastic bags. Na natagpuan sa parehong lokasyon. Malinaw sa lahat, na nauugnay ang mga ito sa iisang salarin, o mga salarin.


...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog CrimesBy Crime Scene Tagalog Stories