Noong March ng 2008, na dapat sana ay isang karaniwang araw lang, ay naging isang bangungot para sa freshman student ng University na si Lauren Burke. Nang bigla siyang dinukot, at tinutukan ng baril ng hindi kilalang lalaki. Pumanaw si Lauren sa araw na iyon, pagkatapos ng desperadong pagtatangkang mailigtas ang sarili. At ito ang kanyang kwento.
Si Lauren Ashley Burke, ay ipinanganak noong December 30, 1989. Sa mga magulang, na sina Vivian at James Burke. Isa si Lauren sa tatlong anak magkakapatid. Dalawang babae't isang lalaki. Matapos makapagtapos ng high school, excited si Lauren para sa kanyang unang taon sa Auburn University, sa Auburn Alabama. Kasama ang kanyang childhood sweetheart, na si Sean McQuade.
Umalis si Lauren sa dorm ng kanyang nobyo, nung gabi ng March 4, 2008. Papunta siya sa library ng Ralph B Dragon, para mag-aral kasama ang isang kaibigan. Ang hindi niya alam, na kasabay ng paglabas niya, may isang lalaking pagala-gala sa loob ng campus. Naghahanap ng sinumang maaring pagnakawan. Alas utso ng gabi, nakita ng naturang lalaki si Lauren, na naglalakad papunta sa kanyang 2001 Honda civic. Agad nitong nilapitan si Lauren, at tinutukan ng baril. Tinulak nito si Lauren papasok sa passenger seat ng sasakyan, habang pumapasok naman ito sa driver side ng kotse.
Agad na nalaman ni Lauren, kung gaano kaseryoso ang sitwasyon. Kaya't agad niyang iniabut sa naturang lalaki ang dala niyang dalawang daang dolyar, habang nagsusumamo ditong pakawalan na siya.
Pero hindi pinansin ng lalaki ang kanyang pakiusap, at nagmaneho paalis. Nasa manebela ang isang kamay, habang ang isa naman ay gamit pangtutuk ng baril kay Lauren.
Lumabas sila ng campus, at inutusan ng lalaki si Lauren na maghubad. Muli, para hindi magalit ang lalaki, sinunud ito ni Lauren. Hubad na ngayon si Lauren, sa loob ng sasakyan.
#crimepodcast
#crimescenetagalogstories
#tagalogcrimepodcast
#podcastcrimes
#crimescenetagalogstoriespodcast
#crimepodcast
#podcasttagalogcrimes
#creepypodcast
#tagalogpodcast