Sign up to save your podcasts
Or

Historical narrative about Japan’s Sengoku Jidai Period in Tagalog. This is third of the 4-part podcast of this title.
EXCERPT:
Pagkatapos ng pananagumpay ni Nobunaga na nangsugpo kay IMAGAWA, tuluyan nang tumibay ang kanyang pamumuno at kapangyarihan. Noong MIL SINGKO SIYENTOS ANIM NA PU’T ISA (1561), namatay ang pinuno ng karatig-probinsiya ng Owari na siyang kaharian ni Nobunaga. Ang probinsiyang ito na karatig ng Owari ay ang MINO. Pumalit sa puwesto ng pamunuan ang anak na lalaki ng namatay na pinuno. Siya si SAITO TATSUOKI. Malamya at mahinang mamahala si TATSUOKI at sinamantala ito ni Nobunaga. Kinumbinse niya ang mga tao na makikisama sila sa kanya. Pagkatapos, sinalakay niya ang probinsiya ng MINO at napuwersang lumayas si TATSUOKI.
Sa bawat bakbakan noon na isinasaganap ni Nobunaga, ang kanyang pananagumpay ay dahil sa kanyang talino, lakas ng loob, at matiyagang pagpupursige. Gayun din na bukas ang kanyang kaisipan sa mga makabagong kaalaman. Hindi siya nag-atubili na tumanggap sa mga nabubukod-tangi at kakaibang mga sandata na kanyang nadidiskubre at natutuklasan. Siya ang pinaka-unang lider ng Hapon na gumamit ng baril. Naiparating ang sandatang ito sa Hapon dahil sa mga manlalakbay na mga dayuhang nangangalakal na nanggaling sa Portugal at sa ibang lugar sa kanlurang (west) bahagi ng daigdig.
Sa ibang dako, ang mga matatapang at kapuri-puring mga samurai ay nakikipaglaban habang sila’y nakasakay sa kabayo. Gumagamit sila noon ng mga espada at sibat o palaso sa kanilang pakikipagbakbakan. Matagal na sinasanay at pinapag-aralan ng isang mandirigma ang pagiging magaling na samurai. Kaiba dito ang paggamit ng baril dahil mas madali itong napapag-aralan at mas madaling nahahasa ang pagsanay sa paggamit nito. Kahit karaniwang sundalo ay nakakayanan niyang magsanay na mamaril nang hindi matagal. Kung kaya, sinanay ni Nobunaga ang kanyang mga tauhan na gumamit at magpakadalubhasa sa pamamaril. Sa laon ng panahon ng kanyang panlulusob sa ibang mga pamunuan upang palawakin niya ang kanyang kaharian at ari-arian, inutusan din niya ang kanyang mga inhenyero na magtayo sila ng mga tulay. Pinalawak din nila ang mga daanan upang mas mabilis ang paglalakbay doon ng kanyang puwersa na lumalaki na.
Siya ang unang pinuno na gumamit ng bapor na naprotektahan ng bakal ang katawan nito.
Sunod-sunod noon ang mga daimyo na puro tinalo at pinasunod ni Nobunaga sa kanyang pamunuan. Lumaki ang kanyang kaharian. Inumpisahan din niya na pina-ganda ang ekonomiya nila sa pamamagitan ng pangangalakal at pagsasaka. Nagpagawa pa ito ng sistema ng buwis at dito siya kumuha ng ginamit niyang suporta para gamitin sa kanyang mga kaharian.
Subalit, mabagsik na kaaway at matinding mamuno si Nobunaga. Naramdaman niya na ang pinakamalaking hadlang sa kanyang pakay noon na mapag-isa ang maraming nag-a-away-away at nagpapatayan na mga daimyo ay ang institusyon ng mga Buddhist. Sa panahong iyon, makapangyarihan na at malakas ang impluwensiya ng paniniwala sa Buddha sa Hapon. Nagpanatili ang mga templo ng ‘SO-HEI’ o mga monghe na sundalo at mga ‘MONTO’ – na kanilang mga tauhan. Malimit sila noong naki-ki-alam sa mga bagay-bagay sa sosyedad at mga komunidad at nakikisali sila sa mga labanang sumisiklab. Nagkalat na sila noon sa enterong Hapon at marami sa kanila ang nagmamay-ari ng mga malalawak na mga lupain at maraming ari-arian.
PLEASE LISTEN TO THE PODCAST FOR THE FULL EPISODE.
By Norma HennessyHistorical narrative about Japan’s Sengoku Jidai Period in Tagalog. This is third of the 4-part podcast of this title.