Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Ang Sengoku Jidai Part 4(4) Tagalog


Listen Later

Historical narrative about Japan’s Sengoku Jidai read out in Tagalog. This is the last episode of the 4-part podcast under this title.

EXCERPT:

Hindi napagpala ng anak sina Nobuyasu na anka ni Nobunaga at si Tokuhime na anak in Ieyasu Tokugawa. Dahil dito, nagpasya ang ina ni Nobuyasu na si TSUKIYAMA at primerang asawa ni IEYASU na kuhanan niya ng magiging babae ni Nobuyasu na kanyang anak.

Subalit ang kanyang ginustong kuhanin ay anak na babae ng isa sa mga naninilbihan kay Takeda na kaaway ni Ieyasu. Nalaman ito ngayon ni Tokuhime (asawa ni Nobuyasu). Nagkaroon ito ng hinala lalo pa’t lagi-lagi noon ang pang-a-away sa kanya ng kanyang biyenan na si Tsukiyama. Nagpadala siya ng sulat sa kanyang ama na si Nobunaga at nagsumbong. Ipina-alam niya ang kanyang natuklasan. Noong natanggap ni Nobunaga ito, ipina-alam niya kay Ieyasu iyong isinumbong ni Tokuhime sa kanya sa sulat.

At bilang paghahayag at pagpapatunay ni Ieyasu sa kanyang katapatan sa kanilang alyansa ni Nobunaga at upang kanyang ma-preserba ito, ibinilin ni Ieyasu na mapatay si Tsukiyama na kanyang asawa. Napugotan ito ng ulo noong ika SIYAM ng Setyembre MIL SINGKO SIYENTOS PITUMPO’T SIYAM (1579). Naikulong si Nobuyasu dahil sa kanyang pagka-malapit sa kanyang ina. Batid ni Ieyasu na katungkulan ni Nobuyasu na ipaghihiganti niya ang kanyang ina kung kaya napilitan niyang binilin ang kanyang anak na kitilin niya ang kanyang buhay at magsagawa ng seppuku. Nagsagawa ng seppuku si Nobuyasu noong ika-a-SINGKO ng OKTUBRE, sa taon ding iyon - MIL SINGKO SIYENTOS PITUMPO’T SIYAM (1579).

Noong MIL SINGKO SIYENTOS PITOMPU’T ANIM, pinaunpisahan ni Nobunaga na ipatayo ang grandeng palasyo na tinawag na “AZUCHI – JO-TENSHU” sa malapit sa lawa na pinangalanang BIWA sa siyudad ng AZECHI. Ito ang itinalaga niya na sentro ng pamahalaan ng kanyang otoridad.

Ang kastilyong ito ay nagsilbi pin pang harang ng daan na NAKASENDO – daan na galing silangan at hilaga na papuntang KYOTO. Noong Pebrero MIL SINGKO SIYENTOS PITOMPU’T WALO, binigyan ng korte ng Imperio si Nobunaga ng parangal bilang DAIJO DAIJIN o “Pinakamataas na Ministro ng Estado.” Ito ang pinakamataas na posisyon na maibigay ng gobyerno ng kaharian. Ang parangal na ibinigay ng korte ng imperyo ay lagay kay Nobunaga upang makaasa sila na hindi ito magsasagawa ng pag-a-alsa laban sa korte.

Noong Mayo ng MIL SINGKO SIYENTOS PITOPMU’T APAT (1574), pinakawalan ni Nobunaga ang mga posisyon na ini-atas sa kanya. Ang dahilan niya ay marami siyang mga inaasikaso sa mga probinsiya na pinamumuno-an niya. Ipi-nasa niya ang mga ito sa anak niya na si Nobutada. Pagkatapos inumpisahan niya ang kampanya na pipilit kay Emperor OGIMACHI na mag-retiro. Subalit hindi nagtagumpay ito.

Noong MIL SINGKO SIYENTOS WALOMPU (1580), namagitan ang emperor na nagpahinto ng labanan ng puwersa ni Nobunaga na noon ay nasa panghahawak ni SAKUMA NOBUMORI at ang sekta ng Buddha sa kanilang pag-aagawan sa templo ng HONGANJI (ISHIYAMA HONGAN-JI) sa Osaka.

Bagaman isa si SAKUMA NOBUMORI sa mga pinakamatagal nang samurai sa angkan ng Oda at lagi-lagi ito noong nakikipaglaban para sa mga pinakamalalaking labanan ni Nobunaga, hindi nasiyahan si Nobunaga noong napahinto ang digmaan. Ito ay dahil hindi tinalo ni NOBUMORI iyong sekta na kinalaban nila. Kahit na may kapayapaang nangyari pagkatapos ang pangyayari, sa mata ni Nobunaga ay kulang sa lakas at tibay ni Nobumori upang mamuno ng pakikipaglaban.

Dahil sa rason na ito, pina-alis ni Nobunaga si NOBUMORI at pati na rin ang anak nito na si SAKUMA NOBUHIDE at pinapunta niya sila sa templo sa bundok ng KOYASAN. Pinamuhay niya sila doon na mga monghe.

PLEASE LISTEN TO PODCAST FOR THE FULL EPISODE.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Kuwentong  Pilipino sa Tagalog at IlocanoBy Norma Hennessy