Studies on the Heidelberg Catechism

Ang Unang Utos: Heidelberg Catechism Lord's Day 34 (Part 2)


Listen Later

Tanong 94. Ano ang hinihingi ng Panginoon sa unang utos? Na alang-alang sa aking sariling kaligtasan ay iwasan ko at layuan ang lahat ng pagsamba sa Diyos-Diyosan, pangkukulam, pamahiin at pananalangin sa mga santo o sa iba pang uri ng mga nilalang. Higit pa rito, na ako’y humantong sa tamang pagkilala sa nag-iisang tunay na Diyos, magtiwala sa Kanya lamang, magpasakop sa Kanya nang may taos-pusong pagpapakumbaba at pagtitiis, umasa sa Kanya lamang ng lahat ng mabuting bagay at ibigin, katakutan, at parangalan Siya nang buong puso ko. Sa madaling salita, na talikuran ko ang lahat ng nilalang kaysa gawin ang kaliit-liitang bagay na labag sa Kanyang kalooban.

Tanong 95. Ano ang pagsamba sa mga diyos-diyosan? Ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay ang pagkakaroon o paggawa ng anumang bagay na kung saan ay inilalagak natin ang ating pagtitiwala sa halip na, o bilang karagdagan, sa nag-iisang tunay na Diyos na nagpakilala ng Kanyang sarili sa Kanyang salita.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Studies on the Heidelberg CatechismBy Treasuring Christ PH