Sign up to save your podcasts
Or

Part 2 of Inspirational biographical account about Alexander the Great in Tagalog.
EXCERPT:
ANG LABANAN SA ISSUS: Noong taong tatlong daan, tatlumpo’t tatlo bago ni Kristo, batid ni Alehandro ang pagkatinik ng puwersa- militar ng liga ng mga Helenes noong kinalaban niya ang mas malaki pang puwersa ng imperio Arkimenedo na pinamumunoan ni Haring Darius na Pangatlo, na hari ng Persia. Nagkasalubong sila sa malapit sa lugar ng Issus, sa may timog na bahagi ng Turko, sa bayan ng Anatolia. Ito ang unang labanan nina Alehandro at ni Darius. Sa mga sumunod na taon na naglakbay si Alehandro at pumunta sa mga lugar na pinagsikapan niyang sakupin, naulit muli ang kanilang enkuwentro.
Malayong mas malaki noon ang puwersa ni Darius at mas marami siyang mga sundalong militar. Nakakahigit si Darius noon dahil sa dami na ng mga labanang nakisagupaan ni Alehandro na nakabawasan ng kanyang mga tao bago sila nag-enkuwentro.
Ganunpaman, dahil sa nasanay na ang mga tao ni Alehandro sa pakikipagdigmaan, malayong mas malupit, matinik at matinding makipagbakbakan ang puwersa ni Alehandro sa kanilang panlulupig kaysa ano mang puwersa na nakakasagupa nila. Natalo ang mga Persiyano na hawak ni Darius at sa ganoon, binihag nina Alehandro ang ina, asawa at dalawang dalagang anak ni Darius.
Inalok ni Darius na ibigay niya kay Alehandro ang kalahati ng kanyang imperio bilang kapalit ng pagkakasauli sa kanya ng kanyang pamilya pero hindi pumayag si Alehandro at ang sabi niya ay hindi puwedeng maging dalawa ang Poong Araw. Kung kaya hinamon na naman niyang muli ng digmaan si Darius. Tumakas si Darius at nambuo na naman siya ng bagong puwersa ng mga mandirigma habang naiwanan ang kanyang pamilya sa kamay ni Alehandro.
Ganoon na lamang ang galit kay Darius ng kanyang ina na si Sisygambis dahil inakala nito na ang pagtakas ni Darius ay nangangahulogan na pinabayaan na niya sila. Iwinaksi niyang anak si Darius at tinanggap niyang parang anak niya si Alehandro.
CONTINUE ON. (LISTEN TO PODCAST FOR THE REST OF THE STORY)
By Norma HennessyPart 2 of Inspirational biographical account about Alexander the Great in Tagalog.