Ang maikling kuwentong pambatang “Sandosenang Sapatos” ni Dr. Luis Gatmaitan ay nagkamit ng parangal mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Inilathala ito ng Hiyas bilang aklat pambata (may salin sa Ingles) noong 2003 at palagiang piyesa sa mga masining na pagkukuwento sa mga paaralan sa bansa. Tuklasin ang makulay na kuwento nina Karina at Susie sa likod ng sandosenang sapatos.