Bago i-enhance sa buong Luzon, una na munang pinatupad ang community quarantine sa buong Metro Manila simula noong hatinggabi ng March 15, 2020. Dito ay ipinasara ang lahat ng hangganan ng Metro Manila sa mga karatig-lalawigan. Pag-usapan natin ngayon ang mga lungsod at bayan sa mga karatig-lalawigan na kadikit ng Metro Manila.