Fact on Track sa Podcast

Fact on Track sa Podcast | Oligarkiya


Listen Later

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga sundalo sa Jolo, Sulu noong July 14, 2020, nabanggit niya na kahit hindi raw siya magpatupad ng martial law, nabuwag na raw niya ang oligarkiya, na namamayagpag ngayon sa bansa. Una nang nilinaw ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na hindi raw ang mga Lopez, na mga may-ari ng ABS-CBN, ang pinatutungkulan ng Pangulo, kundi ang mga negosyante rin na sina Lucio Tan, na may-ari ng Philippine Airlines, ang mga Ayala, na may-ari ng Manila Water, at si Manuel V. Pangilinan, na may-ari naman ng Maynilad.
Pero sa uncut version ng talumpati ng Pangulo, kinumpirma ng dalawang opisyal na naroon na ang mga Lopez nga ang pinatutungkulan ng Pangulo.
Sa topic na ito, pag-uusapan natin kung ano nga ba ang oligarkiya at sino-sino ang maituturing na mga oligarko sa Pilipinas.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Fact on Track sa PodcastBy Mans