Sign up to save your podcasts
Or

Inspirational biographical account about Florence Nightingale in the Filipino language - Tagalog.
EXCERPT:
Malimit na mapangalanan si Florence ng “Senyora na may lampara” dahil karaniwan noon na ito ay nagtatrabaho kahit kalagitnaan ng gabi. Ini-isa-isa niyang dinadalaw araw-araw ang mga maysakit hanggang sa mapuntahan niya silang lahat. Maraming oras siyang nagta-trabaho dahil pinag-a-aralan niya lahat ang katayuan ng bawat isa. Kahit kalaliman ng gabi noon, gumigising ito upang puntahan niya ang mga maysakit na naghihirap. Bukod-tangi sa pagiging nars si Florence Nightingale. Marami siyang mga nagawang ikabubuti at ika-ga-galing ng propesyon na pag-aa-laga. Isa dito ang pagsisikap niyang isinagawa - na pagbabago at pagpapabuti sa pag-aasikaso ng mga maysakit. Gayun din na inayos niya, para maging angkop at lalong sistemado, ang mga trabahong isinasagawa sa loob ng ospital.
Sa mga panahong iyon, magulo at higit na mas mahirap ang mga tungkulin at mas mahirap din ang mga sakripisyo ng mga nars kung ikumpara sa sitwasyon sa kasalukuyan. Hindi nag-atubili si Florence na nanilbihan – na mag-alaga sa mga may sakit sa kabila ng pagtanggi at pagsalungat ng kanyang pamilya na pumasok siya sa ganitong klaseng paninilbi – a maging nars ng karaniwang mamamayan.
Ipinanganak si Florence noong MIL OTSO SIYENTOS DALAWAMPU (1820) kung kailan ang kanyang mga magulang ay naka-bakasyon noon sa siyudad ng Florence o Firenze sa Italia.
Lahing Ingles ang mga magulang niya at naninirahan sila sa London. Ipinangalan ngayon ang ‘Florence’ sa batang bagong silang sa Florence at iyan na ang naging pormal na pangalan ng bagong silang. Galing sa aristokratong pamilya at nobilidad ang pamilya ni Florence. Mayroon siyang nakakatandang kapatid na babae na pinangalanan ng pamilya niya ng Parthenope. At gaya rin kay Florence, ito ay ipinangalan din sa lugar na kanyang kinapanga-nakan, sa Parthenope. Ang Parthenope ay lumang pangalan ng Napoli o Naples na siyudad sa Italia. Nuong malilit pa ang dalawang magkapatid, si Florence noon ang karaniwang mahilig sa pananahi. Si Parthenope naman ang mahilig sa libro. At bilang gawi ng mga may prebilehiyo na aristokratong pamilyang Ingles, unang nag-aral si Florence sa patnubay ng pribadong guro at taga-alaga (governess) sa loob mismo ng kanilang tahanan. Hindi sila pumasok sa paaralang pinupuntahan ng karaniwang mamamayan.
Subalit- noong ang kanilang ama na ang pumalit na magturo sa kanila tungkol sa mataas na karunongan, si Parthenope na ang nagpakita ng kanyang interes at galing sa sining at musika. Si Florence naman ang naging mapag-isip, mapag-tanong at naging mahilig magbasa. Naging nagkabaliktad sa isa’t isa ang kanilang kinahiligan.
Habang ang kapatid niya ay nakikipag-diskusyon sa kanilang ina, tungkol sa alta-sosyedad habang nasa salon sila, si Florence naman ay masigasig na nagbabasa at nag-aaral ng tungkol sa medisina at ibang linya ng akademya at mataas na pagdunongan.
Bata pa sa Florence noong naumpisahang na-obserbahan ng mga tao sa paligid niya ang kanyang pagkamahabagin at ang kanyang kababaang loob. Noong nagsimula siyang mag-dalaga, siya ay nagligtas ng isa nilang kamag-anak na batang lalaki. Malamya at masakitin ang nasabing kamag-anak nilang batang lalaki at inii-ngat-ingatan siyang asikasohin ng pamilya niya. Nag-iisa itong lalaki sa pamilya at siya ang eredero at tagapag-mana ng pangalang nobilidad at kanilang mga ari-arian.
CONTINUE ON (LISTEN TO PODCAST)
By Norma HennessyInspirational biographical account about Florence Nightingale in the Filipino language - Tagalog.