Question 29: Bakit tinawag na Jesus ang Anak ng Diyos na ang ibig sabihin ay Tagapagligtas? Sapagkat inililigtas Niya tayo sa lahat ng ating mga kasalanan, at sapagkat ang kaligtasan ay hindi matatagpuan o masusumpungan kaninuman.
Question 30: Naniniwala nga ba sa tanging Tagapagligtas na si Jesus ang mga naghahanap ng kanilang kaligtasan at katiwasayan sa mga santo, sa kanilang sarili o sa kung saan pa man? Hindi. Bagamat ipinagmamalaki nila Siya sa kanilang pananalita, sa katunayan ay ipinagkakaila nila ang tanging Tagapagligtas na si Jesus. Sapagkat isa sa dalawang bagay lamang ang maaaring maging totoo: na si Jesus ay hindi ganap na Tagapagligtas, o yung mga tumanggap sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya sa Tagapagligtas na ito ay dapat sa Kanya lamang hanapin ang lahat ng kailangan para sa kanilang ikaliligtas.