Question 31: Bakit Siya tinatawag na Cristo? Sapagkat Siya ay itinalaga ng Diyos Ama, at hinirang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na maging ating Punong Propeta at Guro na Siyang lubos na nagpahayag sa atin ng lihim na payo at kalooban ng Diyos tungkol sa ating katubusan; na maging ating tanging Punong Pari na Siyang nagtubos sa atin sa pamamagitan ng minsanang pag-alay ng Kanyang buhay bilang handog at Siyang nagpapatuloy na namamagitan para sa atin sa harapan ng Ama; at maging ating walang hanggang Hari na Siyang namamahala sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Salita at Espiritu, at Siyang nagtatanggol at nag-iingat sa atin sa katubusang tinamo Niya para sa atin.
Question 32: Bakit ka tinatawag na Cristiano? Sapagkat ako ay kasapi kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya at dahil dito ako ay nakikibahagi sa Kanyang pagkahirang ng sa gayon, bilang propeta ay maaari kong ipahayag ang Kanyang pangalan, bilang pari ay ialay ko ang aking sarili bilang haing buhay ng pasasalamat sa Kanya, at bilang hari ay magpursigi nang may malaya at mabuting budhi laban sa kasalanan at sa diyablo sa buhay na ito at sa susunod na buhay magharing kasama Niya magpakailanman sa lahat ng mga nilikha.