Question 33. Bakit Siya tinawag na bugtong na Anak ng Diyos yamang tayo rin naman ay mga anak ng Diyos? Sapagkat si Cristo lamang ang walang pasimula at walang hanggang, likas na Anak ng Diyos. Ngunit tayo nama’y mga anak ng Diyos sa pagka-ampon sa pamamagitan ng biyaya at para kay Cristo.
Question 34. Bakit mo Siya tinatawag na ating Panginoon? Sapagkat tayo ay Kanyang tinubos, katawan at kaluluwa, mula sa ating mga kasalanan, hindi sa pamamagitan ng pilak o ginto kundi sa pamamagitan ng Kanyang napakahalagang dugo, at pinalaya Niya tayo mula sa lahat ng kapangyarihan ng diyablo upang gawing Kanyang sariling pag-aari.