Studies on the Heidelberg Catechism

Heidelberg Catechism Lord's Day 16 (Questions 40-44)


Listen Later

Question 40. Bakit kinakailangang magpakumbaba pa si Cristo hanggang kamatayan? Sapagkat ito ang hinihingi ng katarungan at katotohanan ng Diyos. Ang bayad-pinsala para sa ating mga kasalanan ay hindi magagawa sa ibang paraan maliban sa kamatayan ng Anak ng Diyos.

Question 41. Bakit Siya inilibing? Ang paglilibing sa kanya ay patunay na siya nga ay namatay.

Question 42. Kung si Cristo ay namatay na para sa atin, bakit kinakailangan pang tayo’y mamatay? Ang ating kamatayan ay hindi bayad para sa ating mga kasalanan, sa halip tinatapos nito ang ating pagkakasala at siyang daan patungo sa buhay na walang hanggan.

Question 43. Ano pang pakinabang ang natatanggap natin mula sa pagpapakasakit at kamatayan ni Cristo sa krus? Sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo ang ating lumang pagkatao ay napako sa krus, namatay at nailibing na kasama niya, upang ang mga masasamang hilig natin ay ay hindi na maghari sa atin, kundi maiaalay na natin ang ating mga sarili sa kanya bilang isang handog ng pasasalamat.

Question 44. Bakit idinagdag ang katagang, "nanaog siya sa impiyerno?" Upang sa gitna ng aking matinding pighati at mga tuksong hinaharap, ako ay makatiyak at maaliw sa katotohanang ang aking Panginoong Jesu-Cristo, sa pamamagitan ng Kanyang hindi maisalarawang hapis, sakit, takot, at paghihirap na kanyang tiniis sa lahat ng kanyang pagdurusa at mas higit pa noong siya ay nasa krus, ay iniligtas na niya ako mula sa hapis at pagdurusa ng impiyerno.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Studies on the Heidelberg CatechismBy Treasuring Christ PH