Studies on the Heidelberg Catechism

Heidelberg Catechism Lord's Day 18 (Questions 46-49)


Listen Later

Question 46. Ano ang iyong ipinapahayag kapag sinasabi mong umakyat siya sa langit? Na si Cristo, sa harapan mismo ng kanyang mga alagad, ay itinaas mula lupa patungo sa langit, at siya’y mananatili doon para sa ating kapakinabangan hanggang sa kanyang muling pagbabalik upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay.

Question 47. Kung gayon, ibig bang sabihin nito na hindi natin kasama ngayon si Cristo hanggang sa katapusan ng mundo tulad ng ipinangako niya? Si Cristo ay tunay na tao at tunay na Diyos. Sa kanyang kalikasang tao, si Cristo ay wala ngayon sa mundo, ngunit sa kanyang pagka-Diyos, karingalan, biyaya, at Espiritu siya ay hindi nawawala sa atin.

Question 48. Ngunit hindi ba nahihiwalay sa isa’t-isa ang dalawang kalikasan ni Cristo kung ang kanyang kalikasang tao ay hindi nakakasama ng kanyang pagka-Diyos saan man ito maparoon? Tunay na hindi, sapagkat ang kanyang pagka-Diyos ay walang hangganan at sumasalahat ng dako. Samakatuwid ang Kanyang pagka-Diyos ay mas nakahihigit pa kay sa Kanyang kalikasang tao. Gayun pa man ang Kanyang pagka-Diyos ay nananatiling kasama at kaisa ng Kanyang kalikasang tao.

Question 49. Paano tayo nakikinabang sa pag-akyat ni Cristo sa langit? Una, siya ang ating Tagapagtanggol sa harap ng Kaniyang Ama sa langit. Pangalawa, ang ating katawan ay nasa langit bilang garantiya na Siya, na ating Pinuno, ay dadalhin tayo, na Kaniyang mga kasapi, sa Kaniyang sarili. Pangatlo, sinugo Niya ang Kaniyang Espiritu sa atin bilang isa pang garantiya na sa pamamagitan ng tulong Niya ay palagi nating pagtutuunan ng pansin ang mga bagay na makalangit, kung saan naroroon si Cristo na nakaluklok sa kanang kamay ng Diyos, at hindi ang mga makamundong bagay.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Studies on the Heidelberg CatechismBy Treasuring Christ PH