TANONG 50: Bakit idinugtong ang katagang, “at Siya’y naluklok sa kanang kamay ng Diyos”? Si Cristo’y umakyat sa langit upang doo’y mahayag na Siya ang ulo ng kaniyang iglesiya, na sa pamamagitan Niya ay pinamamahalaan ng Ama ang lahat ng bagay.
TANONG 51: Paanong ang kaluwalhatian ni Cristo na ating Ulo ay nagiging pakinabang sa atin? Una, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay ibinubuhos Niya ang mga kaloob na mula sa langit sa atin na mga bahagi ng Kanyang katawan. Pangalawa, sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan ay ipinagtatanggol at iniingatan Niya tayo laban sa lahat ng kaaway.
TANONG 52: Anong kaaliwan ang idinudulot sa iyo na “muling babalik si Cristo upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay”? Sa lahat ng aking kapighatian at kahirapan ay tumitingala ako at may pananabik akong naghihintay sa Hukom na mula sa langit na siya rin namang nagpasa-ilalim sa kahatulan ng Diyos alang-alang sa akin, at nag-alis ang lahat ng sumpa mula sa akin. Itatapon Niya ang lahat ng Kanyang kaaway at aking kaaway sa walang hanggang kaparusahan, ngunit ako at ang lahat ng Kanyang hinirang ay daldalhin Niya sa Kanyang presensiya sa kagalakan at kaluwalhatian ng langit.