Tanong 57. Anong kaaliwan ang idinudulot sa iyo ng muling pagkabuhay ng katawan? Hindi lamang ang aking kaluluwa matapos ng buhay na ito ang dadalhin kaagad kay Cristo, na siyang aking Ulo, kundi pati itong aking katawan, binuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Cristo, ay muling pagsasamahin sa aking kaluluwa at gagawing katulad ng niluwalhating katawan ni Cristo.
Tanong 58. Anong kaaliwan ang iyong natatanggap sa artikulong tungkol sa buhay na walang hanggan? Dahil sa ngayon pa lamang ay nadarama ko na sa aking puso ang panimula ng kagalakang walang hanggan, aking tatamasahin matapos ng buhay na ito ang ganap na kaligayahan na wala pang matang nakakita, o ng taingang nakarinig o nalirip ng puso ninuman—isang kaligayahang magpupuri sa Diyos magpakailanman.