Studies on the Heidelberg Catechism

Heidelberg Catechism Lord's Day 23 (Questions 59-61)


Listen Later

Tanong 59. Ngunit anong tulong ang maidudulot nito sa iyo ngayong pinanampalatayanan mo ang lahat ng ito? Kay Cristo ako ay matuwid sa harapan ng Diyos at tagapagmana ng buhay na walang hanggan.

Tanong 60. Paano ka naging matuwid sa harapan ng Diyos? Sa pamamagitan lamang ng tunay na pananampalataya kay Jesu-Cristo. Kahit na ako’y sinusumbatan ng aking budhi na ako’y lubhang nagkasala laban sa lahat ng kautusan ng Diyos, na hindi ko sinunod ang alin man sa mga ito, at na ako’y nakakiling pa rin sa lahat ng kasamaan, ngunit ang Diyos, kahit wala akong angking kabutihan, mula sa biyaya lamang, ay inilagak sa akin ang ganap na kasiyahan, katuwiran at kabanalan ni Cristo. Ipinagkaloob Niya ang mga ito sa akin na parang hindi ako nagkasala ni minsan o nagkaroon man ng anumang kasalanan at parang ako mismo ang gumanap ng lahat ng pagsunod na siyang ginawa ni Cristo para sa akin, kung aking tatanggapin lamang ang kaloob na ito nang may pusong nananampalataya.

Tanong 61. Bakit mo sinasabing ikaw ay matuwid sa pamamagitan lamang ng pananampalataya? Hindi dahil sa ako’y naging katanggap-tanggap sa Diyos bunga ng pagiging karapat-dapat ng aking sariling pananampalataya, sapagkat tanging ang kasiyahan, katuwiran, at kabanalan lamang ni Cristo ang aking katuwiran sa harapan ng Diyos. Maaari kong tanggapin ang katuwirang ito at gawing sariling akin sa pamamagitan lamang ng pananampalataya.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Studies on the Heidelberg CatechismBy Treasuring Christ PH