Studies on the Heidelberg Catechism

Heidelberg Catechism Lord's Day 27 (Questions 72-74)


Listen Later

Tanong 72. Ang panlabas na paghuhugas ba na ito ng tubig ay nakalilinis ng mga kasalanan? Hindi, tanging ang dugo ni Jesu-Cristo at ang Banal na Espiritu lamang ang nakalilinis sa atin sa lahat ng ating mga kasalanan.

Tanong 73. Bakit tinatawag ng Banal na Espiritu ang bautismo na paghuhugas ng muling kapanganakan at paghuhugas ng mga kasalanan? Ang Diyos ay nagsasalita sa ganitong pamaraan nang may magandang kadahilanan. Nais Niyang ituro sa atin na ang dugo at Espiritu ni Cristo ang nag-aalis ng mga kasalanan sa atin tulad ng pagtanggal ng tubig sa dumi mula sa katawan. Ngunit, higit pa rito, nais Niyang tiyakin sa atin sa pamamagitan ng banal na pangako at tanda na ito na tayo nga’y tunay na nilinis mula sa ating mga kasalanan sa espirituwal na pamaraan ng ang ating katawa’y nililinis ng tubig.

Tanong 74. Ang mga sanggol ba’y dapat ding bautismuhan? Oo. Ang mga sanggol tulad ng mga matatanda ay kasama sa tipan ng Diyos at ng Kaniyang kongregasyon. Sa pamamagitan ng dugo ni Cristo ang pagtubos mula sa kasalanan at ang Banal na Espiritu, na Siyang gumagawa ng pananampalataya, ay ipinangako sa kanila tulad ng sa mga matatanda. Samakatuwid, sa pamamagitan ng bautismo, bilang tanda ng tipan, sila ay dapat maihugpong sa iglesiyang Cristiano at kilalaning bukod sa mga anak ng mga hindi mananampalataya. Ito ay ginawa sa lumang tipan sa pamamagitan ng pagtutuli, na ang naging kapalit nito ay ang pagbautismo na itinalaga sa bagong tipan.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Studies on the Heidelberg CatechismBy Treasuring Christ PH