Studies on the Heidelberg Catechism

Heidelberg Catechism Lord's Day 30 (Questions 80-82)


Listen Later

Tanong 80. Ano ang pagkakaiba ng hapunan ng Panginoon sa misa ng mga Romano Katoliko? Pinatototohanan ng hapunan ng Panginoon sa atin, una, na tayo ay may lubos na kapatawaran sa lahat ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng nag-iisang paghandog ni Jesu-Cristo na Siya mismong gumanap sa krus minsan para sa lahat; at, pangalawa, na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu tayo ay inihugpong na kay Cristo, na sa Kanyang tunay na katawan ay ngayo’y nasa langit sa kanang kamay ng Ama, at dito Niya ninanais na Siya’y sambahin. Subalit itinuturo ng misa, una, na ang mga buhay at ang mga patay ay walang kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng paghandog ni Cristo malibang Siya’y ialay muli araw-araw ng mga pari; at, pangalawa, na si Cristo sa Kanyang katawan ay nasa anyo ng tinapay at alak, at doon ay dapat sambahin. Samakatuwid ang misa ay walang iba kundi pagtanggi sa nag-iisang paghandog ni Jesu-Cristo at isang kasumpa-sumpang pagsamba sa mga diyos-diyosan.

Tanong 81. Sino ang nararapat makisalo sa hapag kainan ng Panginoon? Yun lamang mga tunay na di nasisiyahan sa kanilang sarili gawa ng kanilang mga kasalanan subalit nanampalataya rin namang ang mga ito’y pinatawad na at ang kanilang patuloy na kahinaan ay tinakpan na ng pagpapakasakit at kamatayan ni Cristo, at sila ring nagnanais na lubos-lubusang pagtibayin ang kanilang pananampalataya at magbagong-buhay. Samantalang ang mga hipokrito at lahat ng mga hindi nagsisisi ay kumakain at umiinom ng hatol sa kanilang sarili.

Tanong 82. Tatanggapin din ba sa hapunan ng Panginoon ang mga taong nagpapahayag sa pamamagitan ng kanilang pananalita at pamumuhay na sila’y di nananampalataya at di maka-Diyos? Hindi, sapagkat nilalapastangan nila ang tipan ng Diyos at ang Kanyang poot ay magniningas laban sa buong kongregasyon. Dahil dito, ayon sa utos ni Cristo at ng Kanyang mga apostol, ang iglesyang Cristiano ay obligadong itiwalag ang mga taong ito sa pamamagitan ng mga susi ng kaharian ng langit hanggang sila’y magbagong buhay.
...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

Studies on the Heidelberg CatechismBy Treasuring Christ PH